top of page
Search
  • BULGAR

BAGUHANG AKTRES, LATE NA SA TAPING, GUSTO PANG SALANG AGAD, NAGMAMADALI RING UMALIS

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 5, 2023



Blind item:


Pasaway ang baguhang female artist (FA) sa set ng movie na pinagbibidahan ng isang young actress. Grabe kung mag-attitude ito sa set, daig pa ang mga bida at veteran stars.


Ayon sa aming source, darating lang daw si FA sa set sa oras na gusto niya sa kung ano ‘yung nakalagay sa call slip. Kaya pagdating niya, gusto niya ay salang na lang agad sa eksena.


Siyempre, ‘di naman puwede ‘yung ganoon sa set. At least one hour man lang sana ay nandoon na siya para sa kung anumang adjustments or preparations na kailangang gawin ng cast members.


Say pa ng aming source, nasa kontrata pala ng producer kay FA na dapat two to three hours before call time ay nasa set na ito. Ang siste, minsan ay nale-late pa si FA sa call time niya.


Ang gawain pa raw nito, kahit ‘di pa tapos ang shooting ay magpapasabi na agad na maaga siyang aalis sa shoot.


Tatamad-tamad pa raw si FA kumilos kapag tinatawag na for take. Ilang beses na raw sinusundo sa standby area si FA, nakahilata pa rin. Naka-ilang balik na raw ‘yung talent coordinator sa pagsundo sa kanya.


Maepal din daw si FA sa EP/Director at kinukuwestiyon ang ipinapagawa sa kanya.


Kulang daw ang short bond paper para isulat ang mga kadramahan ni FA sa set. Ang dami-dami pa raw nitong ginagawang “pag-a-attitude”.


Pagre-reveal pa ng aming source, even before mag-shooting ay nagpakita na ng “attitude” si girl.


Kaya dapat daw ay papalitan na si FA kung hindi dumating nu’ng mediacon ng movie.


Ang dami raw hanash ng talent management na nagma-manage kay FA at inakala nila na okey naman ang alaga nila. Akala raw ng produ ng movie na ang problema ay ang management lang ni FA. ‘Yun pala, pati ang newbie female talent ay sakit din sa ulo.


Dahil d’yan, tiyak na kakalat sa showbiz ang pag-uugali ni FA at baka maapektuhan ang kanyang showbiz career.


Si FA ay talent ng isang bagong management company sa showbiz.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page