Search
  • BULGAR

Bagong team sa WNBL, isa-isa nang ipinakilala

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 20, 2021





Pormal na ipinakilala ang Glutagence Glow Boosters, isa sa mga koponang sasabak sa 2021 Women’s National Basketball League (WNBL), ang una at nag-iisang ligang propesyonal para sa kababaihan sa bansa. Pangungunahan ang Glow Boosters ni Dr. Fille Claudine Cainglet, ang numero unong pinili sa katatapos na WNBL Draft.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang natamasang karangalan ang batang doktora, na nasa gitna ng isang operasyon habang sinusubaybayan ang mga kaganapan noong Sabado ng gabi. Kasalukuyang nasa kanyang ika-apat na taon bilang residente, kaakibat nito ang diretsong 24 hanggang 36 oras sa trabaho subalit sasanayin ni Dr. Cainglet ang sarili na hatiin ang panahon tulad noong nag-aaral at naglalaro sa University of the Philippines sa UAAP.


Gusto naming maging kampeon,” matapang na pahayag ni Coach Justin Tan. “Naniniwala ako na nakakuha kami ng mga manlalaro na may dedikasyon at talento at babagay sa aming estilo ng laro na takbuhan at mahigpit na depensa.”


Bago ang draft, nagpangalan ang Glow Boosters ng tatlong manlalaro na sina Julie Pearl Gula at Micah Joy Figuracion na parehong nag-kampeon sa NAASCU bilang bahagi ng Centro Escolar University Lady Scorpions at Nicole de los Reyes ng San Beda College-Alabang bilang kanilang mga direktang kukunin. Dahil dito, nabawasan at naging 12 na lang ang pagkakataon ng koponan na pumili sa draft subalit sulit ang kanilang mga nakuha,


Matapos tawagin si Cainglet, sinunod nilang kinuha ang tambalang guwardiya nina Camille Claro at Khate Castillo ng De La Salle University. Ang siyam nilang ibang kinuha ay sina Camille Sambile (Adamson), April Lualhati (Lyceum), Nicole Cancio (Ateneo), Carol Sangalang (UST), Raiza Palmera-Dy (FEU), Nicole Garcia (DLSU), Samantha Tan (UP), Ayra Hufanda (UP) at Camille Ramos (DLSU) bilang ika-39 at huling tinawag.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.