Bagong SSS service office sa Taytay, Rizal, binuksan
- BULGAR
- 7 hours ago
- 2 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | May 10, 2025

Opisyal na binuksan nina Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro (ika-4 mula sa kaliwa), Social Security Commissioner Eva B. Arcos (ika-3 mula sa kaliwa), at Mayor Allan Martine S. De Leon ng Taytay, Rizal (ika-5 mula sa kaliwa) ang bagong SSS Taytay Service Office noong Abril 28, 2002, na nagdulot ng mas magandang serbisyo ng SSS sa mga taga-Taytay. Kasama rin sa larawan sina (mula kaliwa) SSS Antipolo Branch Acting Head Richiel R. Madlangbayan, SSS Vice President for National Capital Region (NCR) East Division Benjamin M. Dolindo, Jr., SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas, SSS Senior Vice President for NCR Operations Group Maria Rita S. Aguja, at Barangay Captain Rasel Z. Valera of Barangay San Juan, Taytay, Rizal, at (sa likod, kaliwa) SSS Pasig Mabini Branch Acting Head Marivic M. Gorembalem at SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Division Carlo C. Villacorta.
Hello, Bulgarians! Pinasinayaan ni SSS President and Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro, Social Security Commissioner Eva B. Arcos, at Taytay, Rizal Mayor Allan Martine S. De Leon ang bagong SSS Taytay Service Office sa Taytay, Rizal, noong 28 Abril 2025, na magbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa munisipyo ng binansagang Garments Capital of the Philippines.
Ang SSS Taytay Service Office ay matatagpuan sa loob ng municipal government complex sa 3rd floor ng Manila East Arcade II Building, Don Hilario Cruz, Barangay San Juan, Taytay, Rizal. Nakahanda itong magsilbi sa mga miyembro at employer ng SSS sa Taytay at mga kalapit na lugar mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Inihayag ni SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes De Claro na ang pagbubukas ng SSS Taytay Service Office ay isang mahalagang bahagi ng pagbabago ng organisasyon tungo sa pagiging mas service-oriented.
“We are very excited to open our new SSS service office in Taytay, Rizal,” pahayag ni De Claro. “This new office will bring SSS services closer to our members and employers in the municipality and surrounding areas, especially considering the presence of many micro and small businesses in the town. We are confident that this new SSS office will make a significant
difference in their lives.”
Samantala, pinasalamatan ng SSS ang lokal na pamahalaan ng Taytay sa pagbibigay ng lease-free office space, maging sa renovation works at internet connection para sa bagong tanggapan ng SSS.
Ang SSS Taytay Service Office ay may 75 square meters area at kayang humawak ng higit sa 300 transaksyon bawat araw.
Ang mga member at employer ay maaaring magsagawa ng iba’t ibang mga transaksyon sa opisinang ito, kabilang ang member registration, issuance of employer certificates of compliance, submission of requests for membership amendments, updates to member records (halimbawa, mga simpleng pagwawasto at pagdaragdag ng mga benepisyaryo), at pagsunod sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program.
--
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.