top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong reyna ng network?! ANDREA, MOST IMPORTANT STAR NG ABS-CBN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29, 2023
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 29, 2023



"This season's most important star."


Ganito ipinakilala ng host ang bida ng bagong Kapamilya series na Senior High na si Andrea Brillantes sa ginanap na blue carpet screening at mediacon last Sunday night sa Trinoma Cinema 7.


Deserving naman si Andrea sa intro sa kanya dahil after watching the first three episodes ng Senior High na nagsimula na ngang ipalabas kagabi, masasabi naming tama lang na tawagin siyang most important star ng network dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte bilang ang kambal na sina Sky at Luna.


Nakipagsabayan talaga si Andrea sa galing umarte ng mga veteran stars, lalo na kina Ms. Angel Aquino at Ms. Sylvia Sanchez.


Malalaking artista ang ibinigay na support kay Andrea dahil bukod kina Angel at Sylvia, kasama rin sa cast sina Baron Geisler, Desiree del Valle, Mon Confiado, Ana Abad Santos, Angeli Bayani, Kean Cipriano, Ryan Eigenmann, Gerald Madrid at ang magagaling na young stars na pinangungunahan nina Kyle Echarri, Elijah Canlas, Juan Karlos (a.k.a. JK Labajo), Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Gela Atayde, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino at ang very effective kontrabida na si Daniela Stranner.


We asked Andrea kung ano'ng feeling niya na tinawag siyang "most important star" ng ABS-CBN at tipong siya na ang ibini-build-up na next Drama Queen matapos ang liga nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Bea Alonzo at Angel Locsin.


Aniya, "Of course masarap pong pangarapin at masarap mangyari po 'yun, pero everytime po na may gagawin ako, mas tinitingnan ko lang na blessing po ito sa akin at sa pamilya ko po bilang breadwinner po ako hanggang ngayon."


Hindi raw niya iniisip 'yung magiging reyna siya ng Kapamilya, ang gusto lang daw niya ay umarte at ibigay ang best niya sa lahat ng ipinagkakatiwala sa kanyang proyekto ng network dahil 3 yrs. old pa lang siya, passion na raw talaga niyang umarte.


Samantala, bilang mga veteran na sa industry, hiningan namin sina Ms. Angel at Ms. Ibyang ng words of wisdom para kay Andrea na magiging gabay nito sa journey niya sa kanyang showbiz career.


Ang payo ni Ms. Angel kay Andrea at sa iba pang young stars in general, "It is important to keep in mind respect for yourself, your co-actors, the process and the people around you.


Kasi kung malaki ang respeto mo sa craft mo and sa 'yo as an actor and your co-actors, then you will not go wrong."


Kuwento naman ni Sylvia, 8 yrs. old pa lang si Andrea ay nagpupunta na ito sa kanila at naging ka-close ng anak niyang si Gela. Nakasama kasi noon ni Andrea si Arjo Atayde sa seryeng Eboy at ang pamilya Atayde rin pala ang naging karamay ni Blythe (real name ni Andrea) sa lowest point ng buhay niya.



Kaya ang payo ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) kay Andrea, "Maging matapang ka sa mundong ito kasi walang ibang tutulong sa 'yo kundi sarili mo lang. Iiyak lang sa Diyos kung anumang pasakit sa 'yo. Ang bashers, 'wag mong intindihin. Wala silang kuwenta sa buhay natin."


Dagdag pa ng magaling na aktres na nanay-nanayan na rin ni Andrea, "Basta focus, be professional, 'wag kang maging mayabang na si Andrea ako, ako 'yung sinasabing next superstar.


Kasi 'pag once inisip mo 'yun 'Nak na 'Ako na 'yung pinakasikat' at 'Ako 'yung magaling,' start 'yun ng downfall mo. Kaya be humble, be professional, respect everyone, tuluy-tuloy mo lang 'yan."


Napakasuwerte naman ni Andrea hindi lang dahil sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN kundi dahil nakatagpo siya ng mga taong totoong nagmamahal at nagke-care sa kanya at matatakbuhan niya anumang oras na kailangan niya tulad nga ng pamilya ni Ms. Sylvia Sanchez.


Anyway, mula sa direksiyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, nagsimula nang mapanood ang Senior High kagabi, Aug. 28, at 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page