Bagong Primetime Queen ng GMA-7… SANYA, PALIT SA TRONO NI MARIAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 21, 2020

Bumongga nang husto ang career ng Kapuso actress na si Sanya Lopez matapos ang sunud- sunod na projects na ibinigay sa kanya ng GMA Network.
Marami siyang naging TV guestings at may mga endorsements na rin. At siya ang kinuhang leading lady ni Bong Revilla, Jr. sa fantaseryeng Alamat ng Agila (na papalit sa Daig Kayo ng Lola Ko).
Malaking exposure at break din na si Sanya ang ipinalit sa role ni Marian Rivera sa First Yaya nang mag-backout ang Primetime Queen. Si Gabby Concepcion naman ang makakapareha ni Sanya sa naturang primetime serye.
Kaya naman, may mga netizens ang nagsasabing kinabog na raw ni Sanya Lopez ang ibang nauna at malalaking Kapuso actress tulad nina Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana at Rhian Ramos. Si Sanya na raw ngayon ang bagong Primetime Queen!
Pero, ito ay itinanggi ng aktres. Walang-wala raw sa plano niya na palitan kung sino man ang existing Primetime Queen ng Kapuso Network. Wala siyang balak na makipagkumpitensiya kina Marian, Jennylyn, Lovi, Heart at Rhian. Ang sa kanya ay trabaho lang at nagpapasalamat siya sa GMA Network na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.
Samantala, sobrang flattered si Sanya na nasama siya sa pelikulang Isa Pang Bahaghari kung saan nakatrabaho niya ang Superstar na si Ms. Nora Aunor.
Marami silang eksenang magkasama at isa 'yung experience na hindi niya makakalimutan sa buhay niya. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang premyadong aktres na si Nora Aunor.
At may ginawa rin siyang tiyak na ikagugulat ng mga manonood ng Isa Pang Bahaghari. Pumayag siyang magsuot ng two-piece sa isang eksena sa utos na rin ni Direk Joel Lamangan.
Basta kailangan sa pelikula, handa namang magpaka-daring ni Sanya Lopez.





Comments