Bagong PNP chief na si Gen. Debold Sinas, ‘yun ang “boldest decision”!
- BULGAR

- Nov 10, 2020
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | November 10, 2020
Pormal nang itinalaga si NCRPO chief Gen. Debold Sinas bilang bagong PNP chief.
Da boldest decision!
◘◘◘
Inamin ni Vaccine czar Carlito Galvez na ang pinakamalaking bulto ng bakuna kontra COVID ay darating sa Disyembre 2021.
Nanangkupooo!
◘◘◘
Malinaw ngayon na maaaring magkaroon ng vaccine bandang Abril, Mayo o Hunyo, 2021—pero ito ay para lang sa mayayaman.
Ang mga nagdarahop, tatanghod muna!
◘◘◘
Marami pang lugar sa Bicol ay nasa ilalim ng baha, wasak pa rin ang libu-libong bahay.
Pero, nagbabanta pa rin ang mga bagyo kasama na si Ulysses!
◘◘◘
Inaasahan ang paglala ng pandemic sa lugar na biniktima ng mga bagyo.
Walang duda ‘yan!
◘◘◘
Isang malaking hamon sa bagong PNP chief ang pagkamatay ng drug suspect sa loob ng ospital.
Pinatay na, pinatay pa ulit!
◘◘◘
Nagkaroon ulit ng riot sa loob ng Bilibid.
Sino naman kaya ang madadale?
◘◘◘
Na-snatch ang cellphone ni Labor Sec. Silvestre Bello III malapit sa Manila Cityhall.
Marami ang nawalan ng trabaho at naging isnatser na lang!
◘◘◘
Ila-livestream daw ang subasta sa DPWH.
Kalokohan—ang mga “qualified bidders” ay tradisyunal na iniluluto!
◘◘◘
Ang mga isasali na qualified bidders ay 100 percent “contractor-for-hire”.
Sila-sila rin ang mananalo.
He-he-he!
◘◘◘
Malaking sakit ng ulo ni P-Digong ang bagong pangulo ng U.S.
Siyempre, ireresbak ni Joe Biden si Barrack Obama na minura ni mayor!
◘◘◘
Maraming galamay ang U.S. para masabotahe ang administrasyong Duterte.
Gayunman, may reserba pa si P-Digong.
‘Yan ay ang kanyang anak na si Mayor Sara!
◘◘◘
Kapag ginipit si P-Digong ng U.S., darami ang kasimpatiya ni Mayor Sara.
Duterte ulit sa 2022.
At salamat sa resbak ni Biden!





Comments