Bagong penthouse, ipinakita sa video… ALDEN, KA-LEVEL NA NI SHARON
ni Nitz Miralles @Bida | January 8, 2023

“Penthouse tour” ang itinawag ng mga bossing ng GMA-7 na bumisita sa penthouse ni Alden Richards at kahit ilang parte lang ng penthouse ang ipinakita ni Atty. Annette Gozon-Valdes, makikita pa rin ang karangyaan ng crib ng Kapuso actor.
Comment nga ng mga fans, sa giant TV pa lang, magkano na ang halaga noon.
Ipinakita rin ang action heroes collection ni Alden na sa dami at ganda, milyones na ang halaga. Iba pa yata ang collection niya sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna.
Kasama sa mga nag-penthouse tour si Paolo Contis at siya yata ang nag-interview kay Alden para sa YouTube channel ng Sparkle GMA Artist Center. Sa interview at feature kay Alden, makikita natin ang kanyang penthouse.
Pinuri ng mga fans at netizens si Alden, marunong daw humawak ng pera at magaling mag-manage ng finances at alam kung anong business ang papasukan. ‘Yung restaurant niya sa Quezon City, nagsara hindi dahil nalugi kundi dahil sa pandemic.
Itinayo nito ang Myriad Corporation na ang esports division ay siya ang may hawak at nagpo-produce na rin ng concert. Mga fans ang excited kung ano pa ang businesses na bubuksan ni Alden at ano'ng mga mangyayari sa pag-e-expand ng Myriad.
In the meantime, let us allow him to enjoy the fruit of his success through patience, hard work and professionalism. Ang mahal kaya ng penthouse at kung tama ang mga fans, kahilera na siya nina Anne Curtis at Sharon Cuneta na sa penthouse ng condo nakatira.





Comments