Bagong network, Sept. 13 na ang simula… TONI, KORINA AT KA TUNYING, JOIN SA AMBS
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 20, 2022

Marami na ang nag-aabang sa pagbubukas ng bagong TV network na pag-aari ni dating Sen. Manny Villar, ang AMBS, kung saan balitang business partner din niya ang TV host na si Willie Revillame.
Nami-miss na kasi ng mga fans ni Kuya Wil ang kanyang game show na nagpalit-palit man ng title from Wowowee, Wil Time Bigtime to Wowowin ay iisa ang layunin — ang makapaghatid-saya at tulong lalo na sa mga mahihirap nating kababayan. Bonus na lang ang "Bigyan ng jacket!"
Hehe!
Kaya for sure, isang magandang balita lalo na sa mga fans and supporters ni Kuya Wil ang naibulong ng aming source na sa Sept. 13 na raw ang launching ng AMBS at sa first day of September, may live streaming sila sa Facebook, Twitter at YouTube.
Ipinadala rin sa amin ng aming good friend na si Wheyee Lozada (isa sa trusted staff ni Kuya Wil) ang group photo ng mga bumubuo sa AMBS, of course, sa pangunguna ni Willie kasama ang mga bossing ng network at ang mga staff na magpapatakbo ng mga shows nila.
Nakarating din sa amin ang info na confirmed nang magkakaroon ng show sa AMBS si Toni Gonzaga, ang Toni Talks.
At sa news department naman, pambato nila ang mga sikat at beteranong media personalities na sina Ateng Korina Sanchez at Anthony "Ka Tunying" Taberna.
Ohhh, 'di ba? Sure kami, marami pang gustong mag-join sa AMBS at maglipat-bakod ngayon pa lang.
Kaya abangers na lang tayo kung sinu-sino pa ang mga susunod na pangalang lilitaw na magiging bahagi ng AMBS.





Comments