top of page

Bagong lalaki, mas bata… ANNE, TINAWAG NA COUGAR DAHIL KAY JOSHUA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 28, 2025



Photo: Anne Curtis at Joshua Garcia - IG


Ang daming nagtatanong kung bakit si Joshua Garcia ang kinuhang leading man para kay Anne Curtis sa Pinoy adaptation ng K-drama na It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO).


Sa comments section ng Star Creatives (SC) post, isang netizen ang nagtanong tungkol sa Anne at Joshua tandem.


Ini-announce kasi ng Netflix na sa July 18 ay ilo-launch nila ang IOTNBO.

“A tale wrapped in all the feelings - It’s Okay To Not Be Okay. Ready na ba ang puso mo? #ItsOkayToNotBeOkayPH,” ang nakasulat sa caption.


“Almost there! Here we goooo,” komento rin ni Anne.


Isang netizen naman ang nag-react, “Joshua & Anne? Really?”


Sumagot ang lead actress, “YES! REALLY!!!!!!!!”


Natuwa ang mga netizens, dahil matagal na ring walang project si Anne at it’s time na raw para muli nilang mapanood ang hinahangaan nilang aktres.


Si Anne naman ay talagang binigyan ng panahon na gawin ang nasabing Pinoy K-drama adaptation para sa kanyang pagbabalik-akting.


May isa pang nagkomento na sana raw, ang ipinareha kay Anne ay ang aktor na kaedaran niya. Napakabata raw kasi ni Joshua para maging leading man niya.


Nagmistula raw ‘cougar’ (matandang nakikipagrelasyon o nakikipagtalik sa mas bata sa kanya) ang mommy ni Dahlia sa paningin ng mga netizens.


Well, hindi naman sa edad ang plot ng istorya. Siguro, panoorin na lang muna ng madlang pipol ang IOTNBO at saka nila tanungin si Anne kung bakit si Joshua ang kanyang kapareha.


PBB housemate, fave raw, ginastusan…

KARA DAVID, BINANATAN NG MGA NETIZENS DAHIL KAY SHUVEE


MAY post para sa award-winning broadcast/journalist na si Kara David ang fan ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition


Viral ang nasabing post sa social media dahil sa kawalan nila ng respeto sa GMA broadcaster. Ito ay dahil sa pagsuporta ni Kara sa na-evict o natanggal na si Shuvee Etrata. Talagang naapektuhan ang broadcaster/journalist dahil na-evict ang duo na ShuKla (Shuvee at Klarisse de Guzman).


Very vocal si Kara sa pagsuporta kay Shuvee, kaya nadismaya siya nang hindi masama sa ‘Big 4’ ang Kapuso artist.


Sey niya, “Everyday, bumoboto ako sa ‘yo. Sorry kaunti lang ‘yung nagastos ko, kulang pala ‘yung budget ko.”


Ang isang PBB fan na sumusuporta rin sa ibang housemates ay nag-react sa post ni Kara.


Aniya, hindi nila nagustuhan ang tinuran ni Kara. Nawalan daw sila ng respeto sa award-winning journalist.


Hindi raw nila akalaing may ganoong insinuation (parinig) ang broadcaster.

Kaya lang naman daw sumusuporta si David kay Shuvee ay dahil nanliligaw ang kanyang pamangkin sa Sparkle artist.


Aniya, “So pamangkin pala ni Kara Constantino David ‘yung Anthony na nilulutong ka-love team ni Shuvee. I mean, she’s free to support them all she wants pero ano’ng klaseng journalist ‘yung basta-basta na lang mag-i-insinuate na nanalo ‘yung ibang duo dahil sa yaman nila without fact checking?”


Komento tuloy ng PBB fan, “Nakakaloka, pati si Kara David, inaway na ng mga PBB fans. Jusko, the secondhand embarrassment!”


Ayon pa sa ibang mga commenters, hindi lang naman daw si Kara kundi may iba pa ring celebrities na may mga ganoong komento.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page