top of page

Bagong labs ni Daniel, ibang-iba kay Kathryn na sunud-sunuran… KAILA, PALABAN, MAY 9 NA TATTOO SA KATAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 20, 2025



Kaila Estrada at Daniel Padilla - IG

Photo: Kaila Estrada at Daniel Padilla - IG



Kung totoo man ang nababalitang relasyon nina Kaila Estrada at Daniel Padilla, ngayon pa lang ay masusubukan na si DJ kung kakayanin niyang rendahan o kontrolin ang anak nina Janice de Belen at John Estrada, tulad ng ginawa niya noon kay Kathryn Bernardo.


Sa mahigit 10 taon ng kanilang relasyon ni Kathryn, laging si Daniel ang nasusunod dahil pati pananamit ni Kath ay dinidiktahan ni DJ. 


Bawal ang magsuot ng mini skirt at short shorts. Bawal din ang sexy at revealing dress. Sobrang istrikto ni Daniel at seloso pa. Parang ibon na nakakulong sa hawla si Kathryn.

Pero may hangganan ang lahat. Hindi na natiis ni Kath ang lahat nang matuklasan niya na may ibang babae si DJ bukod sa kanya kaya tinapos niya ang pagiging martir. Tinapos ng aktres ang 11 years ng kanilang relasyon.


Samantala, si Kaila Estrada naman ay isang makabagong babae na malakas ang personalidad. Malaya niyang nagagawa ang gusto niya sa buhay. 


Pinayagan siya ng kanyang mom na si Janice na mamuhay nang nakabukod dahil may sarili itong disposisyon sa buhay.


Well, matatanggap ba ni Daniel na maging nobya ang isang babaeng may 9 na tattoo sa iba’t ibang parte ng katawan? 


For sure, hindi niya mapapasunod si Kaila Estrada sa mga bagay na gusto niya. Baka siya ang maging sunud-sunuran sa aktres. 

Let’s see…



Na-fake news na nag-dirty finger sa National Anthem… MGA KAPWA SENADOR NA NANLAIT KAY ROBIN, ‘DI NAG-SORRY



HINDI man lang daw humingi ng dispensa kay Sen. Robin Padilla ang mga kapwa senador matapos niyang patunayan at ipaliwanag na hindi niya binastos ang pagkanta ng Lupang Hinirang sa opening session ng Senado.


Unang naglabas ang Rappler ng kanilang paghingi ng apology kay Sen. Robin tungkol sa naisulat na fake news na diumano’y nag-dirty finger ang senador habang kumakanta ng Pambansang Awit. 


Naipaliwanag naman ni Sen. Robin ang pag-angat ng kanyang daliring hintuturo, at hindi dirty finger tulad ng inakala ng iba.


Ang pagpapalabas ng statement ng Rappler ay patunay na hindi binastos ni Sen. Padilla ang ating National Anthem. 


May ilang senador kasi ang agad na nanghusga kay Sen. Robin nang hindi muna inaalam ang tunay na istorya. Kaya, dismayado at masama ang loob ni Sen. Padilla dahil hindi man lang nag-sorry sa kanya ang mga senador na nanlait sa kanya.



MASAYANG-MASAYA ang Estrada–Ejercito Family dahil isa nang Wing Commander of the 5th Air Force Wing Reserve (AFWR) si Brigadier General Jude P. Ejercito, PAFR. 


Ang donning ceremony ay ginanap sa Malacañang Palace at dinaluhan nina dating Pangulong Joseph Estrada, Dra. Loi Estrada, Sen. Jinggoy Estrada at Jackie Ejercito.


Hindi sumabak sa pulitika si B.Gen. Jude Estrada, pero aktibo siya sa mga charity projects, lalo na noong pangulo ang kanyang amang si Joseph Estrada. 


Likas na tahimik at low profile si B.Gen. Jude. Bihira siyang dumalo sa mga social events, pero maaasahan siya kapag kailangang tumulong sa panahon ng kalamidad.

Si Jude Estrada ang bunsong anak ni ex-President Joseph Ejercito Estrada.



MARAMING fans ni Manilyn Reynes ang nagre-request sa GMA-7 na makapag-guest sa Pepito Manaloto (PM) sina Janno Gibbs at Keempee de Leon.


Ang dalawang aktor ay dating naka-love team ni Mane. Tiyak na riot kapag nag-reunion sina Manilyn, Janno at Keempee.


May selosan kayang magaganap sa PM kapag natuloy ang guesting nina Janno at Keempee? 


Samantala, marami naman ang nagtatanong kung sino’ng female star ang pinagselosan ng misis ni Michael V. na si Carol. At bakit kaya siya nagselos, eh, good boy naman in real life si Bitoy?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page