top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bagong import ng SMB, Scott, babalahibuhan na

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 21, 2022



Agad na masusubukan ang bagong import ng San Miguel Beer na si Devon Scott kontra sa mga bataan ni coach Aldin Ayo at ng Converge FiberXers sa tampok na laro, habang pilit na hahanapin ng Terrafirma Dyip ang unang panalo laban sa matikas na Bay Area Dragons sa pambungad na aksyon ng 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.


Ipaparada ng Beermen ang 28-anyos na beterano ng iba’t ibang liga ng buong mundo, kabilang ang huling nilaruan nito Fuerza Regia de Monterrey sa Mexico at Indios de San Francisco de Macoris sa Dominican Republic.


Masusubukan ang produkto ng Columbus-Ohio kontra FiberXers sa tampok na laro sa alas-5:45 ng hapon, habang pilit na babangon ang Dyip sa pagkakalugmok sa 0-5 kartada sa kumperensya at ika-21st sunod na pagkatalo laban sa bigating-bisita na Bay Area sa unang laro sa alas-3:00 ng hapon.


Nais ng San Miguel na maka-angat habang maaga sa 1-2 kartada na patuloy na mawawala sa koponan si six-time league MVP June Mar Fajardo na naoperahan sa lalamunan kontra sa 2-2 marka na FiberXers. Napilitang palitan ng Beermen si Diamond Stone matapos itong manamlay sa unang laro, gayundin ang huling laro nito kontra Bay Area sa 87-113, kung saan tumapos lamang si Stone ng 11pts, 14 rebounds, at limang assists.


Umaasa ang San Miguel na mapupunan ng 6-foot-9 power forward/center na si Scott ang malaking kawalan ni Fajardo na huling naglaro sa panalo kontra Rain or Shine sa 113-105 na tumikada ng 21pts, walong rebounds, apat assists at dalawang butata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page