Bagong Imelda Marcos daw, pinaiimbestigahan… P57 M RING, B-DAY GIFT NI SEN. CHIZ KAY HEART

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2025

Photo: YT @Love Marie Escudero
Mainit talaga ang mata ngayon ng taumbayan hindi lang sa mga inaakusahang nagnakaw sa kaban ng Pilipinas at mga korup na opisyal ng gobyerno, kundi maging sa kanilang mga kapamilya na tinawag pang mga “nepo babies” at “nepo wives”.
At hindi nga nakaligtas sa paniniktik ng madlang pipol lalo na ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista.
Sa kabila ng paulit-ulit na pagdidiin ni Heart na may sarili siyang pera at yaman mula pagkabata, ayaw pa ring maniwala ng ilan na hindi galing sa pondo ng bayan ang ginagastos ng misis ni Sen. Escudero.
In fact, nagtataka kami kung sino kaya ang gigil na gigil ngayong mapaimbestigahan ang milyones na ginagastos ni Heart sa kanyang mga luhong luxury bags, shoes, damit at alahas.
May napanood kasi kaming isang video na kuha sa birthday eve ni Heart last year pa (2024) kung saan makikitang halos walang paglagyan ang kasiyahan ng aktres nang makatanggap ng birthday gift sa kanyang mister.
Ang nagpalaki ng “heart” ni Heart sa sobrang tuwa para mahalikan pa ang kanyang mister ay ang regalo nitong blue diamond Paraiba tourmaline ring na hold your breath, mga Ka-BULGAR… worth $1 million lang naman!!!
So, kung iko-convert ‘yun sa peso, tumataginting na P57 milyon lang naman, naman, naman!!!
At para nga naman sa isang politician na tulad ni Sen. Chiz na magreregalo nang ganu'n kamahal, hindi maiiwasang makuwestiyon talaga siya.
Pero mapapatanong ka rin sa motibo kung bakit ngayon lang din ipinakakalat ang naturang video kung kelan nasangkot pa naman ang pangalan ni Sen. Chiz sa issue ng flood control.
Pati nga ang koleksiyon ni Heart ng luxury bags na umaabot na rin ng daang milyon ay kinukuwestiyon din ngayon at iniuugnay sa tanong na bakit hindi siya kasama sa top taxpayers ganu'ng kumikita pala siya nang ganu'n kalaki.
At dahil sa pagiging pabolosa ni Heart, may nagbansag pa sa kanya na bagong Imelda Marcos.
‘Yun lang, ‘di pa naging presidente ang kanyang mister kundi hanggang Senate President pa lang.
PUNUMPUNO ang Hard Rock Cafe sa Makati nu'ng Huwebes ng gabi sa dami ng invited guests at friends ni Atty. Rey Bergado, ang founder at leader ng Inner Voices Band.
Kumpleto hindi lang ang mga members ng banda na binubuo nina Patrick Marcelino (vocalist), Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon (bassist), Joseph Cruz (keyboardist), Joseph Esparago (percussionist) at Rey Bergado (founder at band leader) kundi nandu'n din at dumating ang mga dating kamiyembro ni Atty. Rey sa banda, gayundin ang ilang kaibigang singers kabilang na si Richard Merck.
Bago kumanta ng 2 songs, bumati muna ang tinaguriang The Prince of Jazz sa kaibigang si Atty. Rey para sa birthday nito at kasunod nu'n ang kuwento ng singer na nu'ng pandemic na wala siyang trabaho ay pinadadalhan siya ng P10K per month ng kaibigang abogado.
Ohhh, kaya naman pala well-loved si Atty. Rey, may golden heart din ito.
At nang matanong nga namin ang kanyang birthday wish, aniya ay hindi na para sa sarili ang hiling niya kundi para sa Inner Voices Band na mas maging matagumpay pa, dumami ang shows at guestings at mas tumagal pa.
For the record nga naman, 34 yrs. nang existing ang Inner Voices at kung hindi siguro sa pagpupursige ni Atty. Rey na maitaguyod ang banda sa kabila ng mga challenges na kanilang pinagdaanan, baka na-disband na rin sila tulad ng kanilang mga kasabayan.
Anyway, tuwang-tuwa ang mga guests ng birthday boy sa mga kinanta ng Inner Voices that night dahil bukod sa kanilang mga original songs na Saksi Ang Mga Tala at I Will Wait For You In The Rain, kumanta rin ang banda ng mga OPM hits na bentang-benta at nagpasayaw pa sa mga bisita.
Kaya ang saya-saya ng birthday ni Atty. Rey!
Happy birthday, Atty. Rey Bergado and wishing Inner Voices more, more, more success!!!





Comments