top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bagong heartthrob, tinaob sina Piolo at Richard Yap…IAN, BEST ACTOR AFTER 40 YRS. IN SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 29, 2022




Ang lakas ng impact ni Ian Veneracion nang dumalo sa Gabi ng Parangal ng 48th Metro Manila Film Festival 2022.


Pagdating na pagdating pa lang niya sa New Frontier Theater ay pinagkaguluhan na agad siya ng mga tao at ang daming nagpa-selfie.


Very accommodating naman siya at halos pinagbigyan ang lahat. Kaya naman marami ang nagbunyi nang siya ang manalong Best Actor via the movie Nanahimik ang Gabi na produced ng Rein Entertainment.


Sa kanyang acceptance speech, nabanggit ni Ian na first acting award 'yun na kanyang natanggap sa 40 years niya sa showbiz.


Malakas ang karisma sa tao ni Ian Veneracion. Naalala namin sina Piolo Pascual at Richard Yap na sobra ring pinagkaguluhan noong height ng kasikatan nila.


Parang late bloomer si Ian dahil ngayon lang lumitaw ang kanyang karisma at appeal sa mga tao. For sure, malaking factor si Ian kung bakit pinipilahan ngayon ang pelikulang Nanahimik ang Gabi na suspense-thriller ang tema.


Masuwerte sina Lino Cayetano, Philip King at Carol Lopez ng Rein Entertainment dahil nagmarka ang unang pelikula na produced nila at pumasok sa Magic 8 ng MMFF 2022.


Ayon kay Direk Lino, full time na magpo-produce ang Rein Entertainment ngayong 2023!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page