Bagong gupit, goodbye-bigote na rin... SEN. ROBIN, KAGALANG-GALANG NA ANG HITSURA
- BULGAR
- Aug 20
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 21, 2025

Photo: Sen. Robin Padilla - FB
Maraming natuwa sa new look ngayon ni Sen. Robin Padilla. Mas pogi raw ito sa kanyang clean cut, pormal at kagalang-galang tingnan.
Isa sa mga madalas pansinin noon kay Sen. Padilla ng kanyang mga bashers ang kanyang long hair at bigote na sinasabing hindi angkop sa isang senador na tulad niya.
Ngayon, lahat ay masaya at pinupuri ang hitsura niya.
Pero ang susunod na babantayan sa kanya ay ang mga batas na kanyang ihahain sa Senado.
Simula’t sapul ay may mga senador na minamaliit ang kakayahan ni Sen. Robin dahil hindi siya nakatapos ng anumang kurso. Isa lang siyang sikat na artista na iniidolo ng milyun-milyong Pilipino na bumoto sa kanya, kaya siya ang nanalong No. 1 senator noong 2022 elections.
Pero sa gitna ng panlalait at paghamak sa kanyang katauhan, hindi nakaramdam ng insecurity si Sen. Robin. Nanaig ang kanyang pagmamalasakit upang damayan at ipaglaban ang mga mahihirap niyang kababayan.
SAYANG at hindi nakadalo si Phillip Salvador sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery recently. Marami pa namang media people ang naghihintay kay Kuya Ipe dahil hindi na siya nagpakita sa publiko pagkatapos matalo sa midterm elections.
Napag-alaman namin na nasa Subic si Phillip at may mahalagang commitment kaya hindi siya nakarating kung saan tinalakay ang tungkol sa anomalya sa mga flood control projects at ang palpak na pagboto ng mga OFWs (Overseas Filipino Worker) abroad.
Mabuti na lang at naroon si Atty. Ferdie Topacio kaya buhay na buhay ang talakayan ng mga imbitadong panelists.
Si Atty. Topacio ay appointed Deputy Speaker ng PDP (Partido ng Demokratikong Pilipino). Aktibo siya ngayon sa paglahok sa malalaking isyu sa pulitika at lipunan.
Si Atty. Topacio rin ang paboritong kunin ng mga celebrities na may kaso o gustong magsampa ng kaso. In the news palagi kapag siya ang may hawak ng kaso at pini-pick-up ng lahat ng TV network at diyaryo.
Nakapag-produce na rin siya ng ilang pelikula kaya natanong namin kung may balak ba siyang gumawa ng movie para sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Well, ayaw daw at wala sa plano niya ang sumali sa MMFF this year. Kailangan daw kasi na bongga at gagastusan nang malaki ang entry upang may laban sa iba.
USO pa rin si Roderick Paulate at marami pa ring natutuwa sa brand ng kanyang comedy. Marami pa rin siyang tagahanga at hindi siya nalilimutan ng publiko kahit mahigit apat na dekada na siya sa showbiz. Nasa mainstream pa rin ang komedyante at ka-level ng malalaking artista.
Matagal siyang naging co-host noon ni Vilma Santos sa TV show, ganoon din kay Megastar Sharon Cuneta.
Klik din ang tandem nila ni Carmi Martin. Masang-masa ang pagpapatawa ni Roderick at bentang-benta ang kanyang character bilang beki.
Kumita sa takilya ang mga pelikula niyang Kumander Gringa (KG), Zombadings, Dead na si Lolo (DNSL), atbp..
Nagpahinga man siya pansamantala sa paggawa ng pelikula nang pumasok siya sa pulitika, taglay pa rin ni Roderick ang karisma sa pagpapatawa.
At sa pelikulang Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI), muli niyang pinatunayan ang husay niya sa comedy.
Kinakabahan man, excited naman siya dahil tiyak na magugustuhan ito ng mga moviegoers.
May ilang nagkukumpara kina Roderick at Vice Ganda. Pero para kay Dick, magkaiba sila ni VG ng style sa pagpapatawa.
Tanggap naman ni Roderick Paulate na sikat na sikat ngayon si Vice Ganda. Pero may kani-kanya silang grupo ng tagahanga na hindi bumibitaw kahit may mga bagong komedyante.
Comments