top of page
Search
BULGAR

Bagong deadly virus nagbabadya, mga kurakot at scammers tiba-tiba na naman, buwisit!!!

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | November 6, 2023


KULANG NA LANG SABIHIN NG AFP SPOKESMAN NA NANGPI-FAKE NEWS ANG AFP CHIEF -- Isang araw matapos ianunsyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na may bantang destabilization ang mga retired generals para patalsikin sa puwesto si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), pinabulaanan kahapon ni AFP spokesman Col. Medel Aguilar na may ganitong banta sa Marcos administration.


Kulang na lang sabihin ni Col. Aguilar, na ang AFP chief ni P-BBM, ay nangpi-fake news, boom!

◘◘◘


BAKA LALONG WALANG FOREIGN INVESTORS NA MAGNEGOSYO SA ‘PINAS KASI ANG DAMING KURAKOT, MAY MGA NAGBABANTA PANG MANGGULO -- Sa mga foreign trips ni P-BBM, pag-uwi niya sa Pilipinas ay lagi niyang ibinibida na may mga foreign investors na nangakong magtatayo ng negosyo sa bansa, kaya lang hanggang ngayon kahit isa ay wala pang kapitalistang dayuhan ang nagtayo ng negosyo sa ‘Pinas dahil nga nababalita na ang daming gov’t. officials at politicians ang kurakot sa bansa.


At sa inanunsyo nga ni Gen. Brawner na may bantang destab sa Marcos admin, na kahit ito ay pinabulaanan na ni Col. Aguilar, ay baka lalong umiwas nang magnegosyo sa bansa ang mga foreign investors, kasi nga, ang dami ng kurakot, may mga nagbabanta pang manggulo sa gobyerno, period!

◘◘◘


SA INANUNSYO NG WHO NA MAY NAGBABADYA NA NAMANG DEADLY VIRUS, TIYAK NA MAY MGA KIKITA NA NAMAN SA OVERPRICED MEDICAL SUPPLIES -- Nagbabala ang World Health Organizations (WHO) na may nagbabadya na namang pananalasa sa mundo ng bagong virus, at mas deadly daw ito kumpara sa COVID-19.


Dahil sa inanunsyong ‘yan ng WHO, tiyak maraming kurakot at scammers sa gobyerno na naman ang titiba sa pag-angkat ng mga face masks, face shields at iba pang medical supplies, boom!

◘◘◘


MGA MANRARAKET SA LAGUNA, PARAMI NANG PARAMI -- Kapag paparating ang panahon ng Kapaskuhan ay may mga naglilitawang mga manraraket, tulad sa Laguna, nadagdagan na naman ang mga gambling lords sa probinsiyang ito, at ang nadagdag ay si alyas "Joji" na tulad nina alyas "Ibora," "Alvarez," "Toce," "Haruta" at "Tita," ay may raket din na STL-con jueteng at lotteng.


Dapat ipahuli ni Gov. Ramil Hernandez ang mga manraraket na ito para hindi maraket ang kanyang mga kababayan lalo’t paparating na ang Kapaskuhan, period!


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page