top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bagong Darna, 'di raw bagay… SIGAW NI RR: JANE, MAGANDA AT SEXY PERO WALANG APPEAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | July 29, 2022




Dahil sa pagiging sawsawera ng dating dancer ng Wowowee at isa sa mga hosts ng Banana Split na si RR Enriquez ay kaliwa’t kanan ang natatanggap niyang bashing mula sa mga kilalang personalidad na sinasawsawan niya ng isyu by giving her opinion.


Proud sawsawera si RR, “Sobrang nakaka-proud, sabi nga nila, nag-iingay lang ako. ‘La Ocean Deep’ daw ako. Oo, laos, nagpapapansin, (at) nag-iingay, so, nae-enjoy ko, eh. Bakit, gusto kong maging Queen Sawsawera. And in all fairness, nakatulong at naging relevant tayo, 'di ba? Minsan, laos ka na nga, tapos wala ka pang gagawin, eh, di mag-ingay ka!”


Nakapanayam si RR ni Ogie Diaz para sa YouTube channel nito na in-upload nu'ng isang gabi para hingan ng reaksiyon sa mga sinawsawan nitong isyu at bashing na natatanggap.


Unang tinanong ng content creator ang tungkol sa sinabi nitong hindi bagay kay Jane de Leon ang role na Darna na eere na sa Agosto 15 sa Kapamilya Network.


“Ewan ko, pero nagagandahan ako sa bata, naseseksihan din ako sa kanya, magaling siyang sumayaw, talented siya kasi in-stalk ko ‘yung Instagram account niya at sobrang okay siya.


“Pero nu’ng nakita ko siya sa trailer (Darna), maganda ‘yung trailer, magaling din siyang umarte, pero hindi ko nakikita sa kanya ‘yung karakter as Darna.


“I don’t want to be judgmental pero si Liza Soberano, 'di ba, parang iba ‘yung effect niya kung siya ang Darna. Hindi kailangan ni Liza Soberano na magpa-sexy para ipakitang Darna siya. Parang Liza itself, okay na.


“Pero si Jane, iba talaga ‘yung dating niya. Maganda siya pero meron naman talagang ganu’n (hindi bagay). Ang daming nang-bash nga, ang daming na-offend sa akin. Let’s be honest, ako lang naman ‘to, opinyon ko ‘to. Maganda siya, magaling siyang artista pero feeling ko, hindi siya pang-Darna,” pagtatanggol ni RR sa sarili.


Tanong ni Ogie kay RR, na-judge na nito si Jane base lang sa trailer ng Darna?


“Sa trailer lang at sa mga Instagram account niya, tsinek ko, parang hindi ko nakikita sa kanya ‘yung karakter as Darna,” diin ng negosyante ring host.


Ikinumpara pa ni RR si Jane sa mga gumanap na ng Darna tulad nina Angel Locsin, Marian Rivera, Nanette Medved at ex- Congw. Vilma Santos.


“Parang may mga dating (silang lahat) na something, pero with Jane, hindi ko talaga siya nakitaan!


“Sorry, ha? Hindi naman ako magaling na artista. Ano bang alam ko, kaya nga nagbibigay lang ako ng opinyon. Pero sabi ko, let’s give her the benefit of the doubt, baka naman along the way, maging okay siya.


“Sabi ko nga, ako, pangit, pero may dating ako. Hindi ako nagagandahan sa sarili ko, pero may oozing appeal ako!” paliwanag mabuti ni RR.


Dagdag pa niya, “Si Jane, hindi ko nakikitaan ng oozing appeal, pero maganda siya. Pero Papa Ogs, panonoorin ko ‘yun (Darna), sino ba naman ako, wala naman akong napatunayan sa industriya.


“Buti nga si Jane, nabigyan ng pagkakataon para maging Darna. Hindi kami close pero I admire her and I’m proud of her na siya si Darna ngayon. And kung napapanood man niya ito, gawin niyang inspirasyon itong comment na ito para pagbutihin niya at ipakita sa lahat na 'Deserve kong maging si Darna.'


“Kasi nga minsan, kailangan din nating may magdya-judge sa atin, magko-correct sa atin kasi kung puro magaganda lang ‘yung sasabihin, paano ka mag-i-improve, 'di ba?


“Eh, ang ganda-ganda mo na, ang galing-galing mo na, baka lumaki lang ‘yung ulo mo, hindi mo na galingan ‘yung craft mo.”


Sa tanong kung may mga nagalit nang artista kay RR sa mga inilalabas nitong opinyon, “Feeling ko, wala pa, o baka hindi na lang nila ako pinapansin.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page