top of page

Bagong BF, inilantad na… MAX, MAY-EDAD NA SPANISH GUY ANG IPINALIT KAY PANCHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2025
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 19, 20255



Photo: Max Collins - IG


Deserve ni Max Collins ang lumigaya at magkaroon ng love life matapos ang paghihiwalay nila ni Pancho Magno. Annulled na ang kanilang kasal kaya malaya na si Max na makita siyang may ka-date. 


Balitang Spanish guy na medyo may-edad sa kanya ang bagong karelasyon ni Max. 

Wala namang problema sa pagpapalaki sa anak nila ni Pancho dahil co-parenting ang setup nila. In good terms sina Max at Pancho, kaya komportable silang magkita at magkasama sa mga events ng kanilang anak na si Skye.


Nahaharap na rin ni Max ang kanyang career dahil maayos na ang setup nila ng dating mister. Nakakatanggap na siya ng movie at TV projects. 


Kasama si Max Collins sa pelikulang Only We Know (OWK) na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Charo Santos. 


Pang-leading lady pa rin ang porma ng katawan niya at puwede rin siyang gumanap bilang bida o kontrabida.



NATUTUWA ang mga fans at supporters ni Kyline Alcantara sa nakikita nilang pagbabago sa buhay ng Kapuso actress ngayon. Nakapag-move on na ito matapos ang breakup sa basketball player na si Kobe Paras. 


Bagama’t nasaktan dahil totoong minahal niya si Kobe, na-realize naman ni Kyline na mas dapat bigyan niya ng priority ang kanyang career, at marami ang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. 


Sinunod ni Kyline ang payo ng malalapit na kaibigan na dapat ay mahalin niya ang kanyang sarili bago ibuhos ang pagmamahal sa ibang tao. Naging matatag si Kyline sa panahon na kailangan na niyang mag-move on.


Mabuti na lang at may bagong serye siyang ginagawa sa GMA Network, ang Beauty Empire (BE), kasama sina Ruffa Gutierrez at Barbie Forteza. 


May pagka-offbeat ang role niya bilang CEO ng isang kumpanya sa katauhan ni Shari De Jesus. Magiging mahigpit niyang kakumpitensiya si Barbie at matitindi ang kanilang mga eksenang bardagulan. 


Ang BE ay joint venture ng GMA Network, Viu at Creazion Studios.


Mister, ‘di raw inaasikaso… SIRANG SAPATOS NI DINGDONG, ISINISISI KAY MARIAN


PARA sa mga fans, hindi big deal kung sira ang naisuot na sapatos ni Dingdong Dantes nang dumalo sa block screening ng pelikulang Only We Know (OWK)

Natatawa na lang ang Primetime King at ipinost pa niya sa social media ang sira niyang sapatos. 


Komento ng iba, baka matagal nang hindi naisusuot ang ginamit na sapatos ng aktor. Usually, kapag naka-stock nang matagal ang sapatos ay bumibigay ito at nasisira kahit gaano pa ito kamahal.


Ganunpaman, may ilang bashers na isinisisi kay Marian Rivera ang pagsusuot ni Dingdong ng sirang sapatos. Bilang asawa, tungkulin daw niya na ayusin at i-check ang mga gamit ng mister bago umalis upang hindi mapahiya. 


Pero todo-tanggol ang mga fans ni Marian at hindi raw kasalanan ng aktres kung sira ang naisuot na sapatos ng mister. Minsan, hindi talaga maiiwasan na may ganitong pangyayari.


Mga hirap nu’ng kapapanganak lang, ibinulgar…

SIGAW NG MADIR NG ANAK: SEF, NAGPAPANGGAP LANG NA MABUTING AMA


MARAMI ang nagtatanong kung hiwalay na rin ba si Sef Cadayona sa non-showbiz girlfriend niyang si Nelan Vivero. 


Two years silang magkarelasyon at nagli-live-in na. May anak na rin sila. 

Nang mag-guest si Sef sa All-Out Sundays (AOS) bilang bahagi ng Father’s Day celebration, may post sa kanyang Instagram (IG) si Nelan kung saan kinuwestiyon ang pagiging ama ni Sef. Nagpi-pretend lang daw ito na isa siyang mabuting ama.


Bahagi pa ng emote ng dating karelasyon ni Sef ay dumanas siya ng matinding pagdurusa lalo na noong kapapanganak pa lang niya. 


Well, marami ang nagtataka sa ibinunyag na ito ng dating girlfriend ni Sef. Sa pagkakaalam daw nila ay mabait ang aktor at mapagmahal sa pamilya. 


Lapitin ng mga babae ang aktor dahil sa pagiging comedian niya. Napaibig nga niya at naging nobya ang magandang aktres ng GMA-7 na si Andrea Torres.


Well, very talented si Sef Cadayona at matagal siyang naging bahagi noon ng Bubble Gang (BG).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page