top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bago si Bianca… RURU, UMAMING 15-ANYOS LANG SI GABBI NANG MAGING GF NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 11, 2023





Inamin na rin ni Ruru Madrid na nagkaroon sila ng relasyon ni Gabbi Garcia sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda. Sabi pa ni Ruru, si Gabbi lang ang naging girlfriend niya bago naging sila ni Bianca Umali.


Ani Ruru, “Nu'ng naging kami, sobrang bata pa po namin. Gabbi was 15, ako po, 16. And then, siguro, somehow, malaking factor na magkatrabaho po kami, love team kami, kailangan lagi kaming makita na sweet sa isa’t isa, so siguro, doon namin na-discover na in love kami.”


Naalala namin, itinanggi pa nina Ruru at Gabbi ang kanilang relasyon at ang kanilang breakup.


Nagtampo pa sa press si Gabbi kung bakit nasulat ang breakup nila, eh, wala naman silang inamin.


Lahat daw ng press galit sa kanya at isa lang ang naging kakampi niyang reporter.


Naalala rin namin na nagdo-double date sina Ruru at Gabbi kasama si Mikee Quintos at ang boyfriend nito noon na member ng isang singing group. Close kasi sina Mikee at Ruru dahil sa Encantadia kung saan kasama rin nila si Gabbi.


Sa inaming ito ni Ruru, siguradong matatanong siya sa naging relasyon nila ni Gabbi sa mediacon ng The Write One na sila ni Bianca Umali ang mga bida kasama sina Mikee at Paul Salas.


Matatanong din siya sa panliligaw niya kina Barbie Forteza, Lexi Fernandez at Yassi Pressman.


Anyway, maganda ang The Write One sa teaser pa lang at inaabangan na ang world premiere nito.


Mauuna ang streaming nito sa Viu dahil sa Mar. 18 na. Si King Mark Baco ang director ng drama-romance-fantasy series ng GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page