Bago raw makipag-live-in, Andrea… GUANZON: GIRLS, 'WAG PA-BUDOL! MAG-DRUG TEST MUNA
- BULGAR
- Jul 21, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 21, 2023

Durog si Ricci Rivero sa ipinost ni former COMELEC Commissioner Rep. Rowena Guanzon sa kanyang Twitter recently.
Tweet ni Rep. Guanzon, “Andrea Brillantes won’t miss that guy who didn’t do his laundry for one year. Girls, huwag pa-budol! Mag-cooking and laundry, drug test at HIV AIDS test muna bago mag-live-in.”
Nagmula ang tweet ni Rep. Guanzon sa interbyu ng Unkabogable Star at It’s Showtime host na si Vice Ganda kay Andrea Brillantes, ex-girlfriend ni Ricci.
Ibinulgar kasi ng aktres kay Vice na milyones ang nagastos niya sa pagbili ng regalo kay Ricci.
Malaking bahagi nito ay ang mga biniling gamit ni Andrea para sa condo unit ng kanyang ex-boyfriend na basketbolista.
Sa kabila nito, wala naman daw plano si Andrea na bawiin ang mga ibinigay niya kay Ricci.
Katwiran ng aktres, “Kasi alam n’yo po, Meme, kapag kinuha ko kasi lahat ng ibinigay ko sa kanya, wala na siyang gamit sa condo niya.”
At para raw makapag-move on siya agad pagkatapos ng hiwalayan nila ni Ricci, “Minsan, kung hirap kang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ‘yung mga bagay na, ‘Talaga ba na iiyakan ko ‘yung lalaki na hindi naman nagpapa-laundry ng isang taon?’ Ganu'n!” ani Andrea.
Dito na nga naglabas ng opinyon si Rep. Guanzon para pagaanin na rin marahil ang kalooban ni Andrea.
Agree naman ang mga netizens sa mensahe ni Rep. Guanzon.
“Tama! HIV test muna. Alam ko po, walang AIDS test.”
“Hmmm… he must be wearing disposables!!!”
“Itago na lang natin ang name ng guy sa #RicciKadiri,” komento pa ng mga netizens.
‘Yun na!





Comments