top of page
Pokwang.jpg

Bago pa tayo mabakunahan kusang maglalaho ang COVID-19 tulad ng ordinaryong virus!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2021
2 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Ka Ambo - @Bistado | January 4, 2021



Bagumbagong buhay ang 2021.


Nagsarado na ang isang yugto ng kasaysayan at sa ating henerasyon may bagong “hati o dibisyon” ang modernong panahon—pre COVID-19 period, COVID-19 years at ang hinihintay nating post-COVID-19!


◘◘◘


Aktuwal tayong namumuhay sa isang hindi malilimutang panahon—'eto ang COVID-19 years.


Mahalaga ang bawat oras, bawat araw at bawat karanasan.


Nasasabay ito sa modernong teknolohiya.


◘◘◘


Nasa “state of shock” ang buong daigdig.


Aminin o hindi—panic ang mga national leaders.


Maging ang mga world leaders ay halatadong tuliro kasama na rin ang mga eksperto!


◘◘◘


Walang maituturing na eksperto sa 3 malalaking bansa—US, China at Russia.


Lumabas ang kamangmangan ng henerasyon ng mga tao!


◘◘◘


Naganap na at nararanasan nan ang aktuwal ang kinatatakutan ng mga eksperto— na bigo sila na mangontra ang pandemic.


Bigo sila na paghandaan ang pandemic.


Lumabas na kuwento-kuwento lang ang mga press release ng mga eksperto at scientist!


◘◘◘


Bigo ang mga scientist na unawain at ipaunawa ang likas o naturalesa ng Inang Kalikasan.


Kalikasan ang nagdidikta ng lahat — hindi ang mga scientist o eksperto.


Magkakasya lang ang lahat ng mga paham na unawain at ipaunawa sa publiko ang mga nagaganap.


◘◘◘


Pero, dahil nag-panic ang mga eksperto at scientist, nabisto na walang paham sa ating henerasyon.


Makaraan ang isang taong singkad—walang solusyon ang pandemic.


Magkakasya na lang ang apat na bilyong populasyon ng buong mundo—na kusang maglaho o malipasan ng talab at kamandag ang COVID-19!


◘◘◘


Bago mabakunahan ang lahat ng mga tao, kusang maglalaho ang COVID-19 tulad ng ordinaryong virus.


Halos hindi na ito magagamit sapagkat — sa ayaw o sa gusto nila—mabibiyayaan ang populasyon ng tinatawag na “herd immunity”!


◘◘◘


Tapos na ang istorya—malinaw na sangkatutak ang namatay sa US, China at iba pang bansa.


Malinaw na hindi nagampanan ng WHO ang kanilang responsibilidad na magbantay para sa kaligtasan ng populasyon!


◘◘◘


Ang masakit, hanggang ngayon ay panic ang WHO pero patuloy silang sinasandalan ng mga bopol ding national leaders ng mga bansa.


Walang solusyon, bagkus ay kusang malulutas ng “kalikasan” ang epekto ng virus!

◘◘◘


Sa US, itinatala ang mahigit 3,000 katao ang namamatay kada araw.


Sa 9/11 attack sa New York, higit din sa 3,000 ang namatay sa loob lang ng isang araw—pero ngayon—ay araw-araw ay higit sa 3,000 ang namamatay sa US.


Mistulang araw-araw ay inaatake ng suicide bombers ang America—pero hindi nila magawang kubkubin ang alinmang bansa—gaya ng ginawa nila sa Afghanistan, Iraq at Libya.


◘◘◘


Nasaan ang eksperto ng pinakamakapangyarihan bansa, nasaan?


Ang sagot: Wala.


Opo, walang eksperto ang US upang pigilin ang pananalasa ng COVID-19 virus.

Bakit kaya?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page