top of page

Bago pa sa anak nila ng misis… BARON, UMAMING MAY PANGANAY NA ANAK NA BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 17, 2024
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 17, 2024



ree

Photo: Screengrab from YT Channel Ogie Diaz


May pasabog na rebelasyon si Baron Geisler sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz. Inamin ng aktor na may isa pa siyang anak sa ibang babae bukod sa anak na babae sa asawang si Jamie Evangelista.


Nu’ng una’y hindi pa masabi ni Baron kay Ogie na may isa pa siyang anak, but later ay napaamin na rin siya.


“Well, alam mo, si Baron, ano ‘yan, eh, madaling malaman kung nagsisinungaling, ‘di ba?” sey ni Ogie.


Pag-amin ni Baron “When I speak the truth, I speak the truth. When I lie, I lie. So, I have someone out there.”


Aniya pa, “I have a kid out there, another one. But for now. . . I hope someday, when things are okay, we’ll get to talk with her here, ‘di ba?


Katabi ko na siya dito. 'Hi, anak, kumusta?'” Babae rin ang anak niyang ito and turned out na ito talaga ang kanyang panganay. At alam daw ito ng kanyang misis. Na-meet na raw niya ito, pati ng kanyang asawa.


Kuwento ni Baron, “Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan ‘yung kapangitan ng ugali ko, kabulastugan ko. Pero, lonely and sad because I didn’t get to hug her or see her grow up or talk to her or play with her.


“Pero you know, I always believe in everything happens for a reason.”


Ito nga raw ang dahilan kung bakit siya naka-relate sa kanyang role sa pelikulang Doll House. Aniya, “Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll House. Du’n ako humugot. Kasi ang huling beses ko siyang nakita, five or six years old siya. Then, biglang dalaga na siya.


“Natuwa ako, naiyak ako nu'ng nag-reach out siya sa akin. Pero hindi ko ipinakitang umiyak ako.”


Ibinahagi rin ng aktor nu'ng first time niyang makita ang anak at sobrang excited daw siya. Pumunta siya sa bahay nito at kasama pa niya ang kanyang wife. Binilhan pa raw

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page