Bago pa raw nakipag-break kay Kim… XIAN, 2 YRS. MUNANG KA-LIVE-IN ANG MISIS NA NGAYONG SI IRIS
- BULGAR
- Apr 1, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 1, 2024

Maraming fans ang tumututol na muli pang tanggapin ni Kim Chiu ang makatrabaho ang ex-BF niyang si Xian Lim sakaling may offer sa kanila na magtambal sa isang project.
Adding insult to injury na raw 'yun at masasaktan lang lalo si Kim sa nangyari sa kanilang relasyon.
Dapat ay pairalin din ni Kim ang kanyang pride at panindigan nang putulin nang tuluyan ang lahat ng kaugnayan niya kay Xian Lim.
Magagamit na naman siya ni Xian sa career nito. Dapat daw ay tigilan na ni Kim ang pagpapakamartir sa pag-ibig. Deserve niyang bigyan siya ng respeto.
Ngayong may bago nang pag-ibig si Xian Lim at balitang nagpakasal na kay Iris Lee sa New York via civil wedding, tanggapin na lang ni Kim Chiu na hindi talaga nakatakda si Xian para sa kanya.
Actually, bago pa lumabas ang balitang break na sina Kim at Xian, may nagsasabing two years nang nagli-live-in ang aktor at ang producer GF na si Iris Lee.
So, kung true nga ang chikang ito, bakit kaya hindi na lang nagpakatotoo si Xian nang kumawala siya kay Kim?





Comments