Bago pa magpakasal, itinodo na… KRIS, PANAY BUYANGYANG NG KATAWAN IN PUBLIC
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 17, 2021

Instagram / krisbernal
Maraming ginulat si Kris Bernal sa kanyang sexy and daring pictorial kung saan iba't ibang style ng bikini ang kanyang isinuot. May permiso/consent naman ito ng kanyang groom-to-be na si Perry Choi. Nagtataka lang ang ilang netizens kung bakit ngayon lang nagdispley ng kanyang katawan si Kris?
Well, kahit petite at medyo skinny si Kris ay keri naman niyang magsuot ng two-piece swimsuit. Mala-model ang kanyang pagrampa. Feel na feel niya ang kanyang kaseksihan. Puwede na nga siyang makipagsabayan sa ibang sexy stars sa showbiz.
Masuwerte nga si Kris Bernal dahil suportado ng kanyang fiancé ang kanyang career. Kahit siguro kasal na sila ay hindi pipigilan ni Perry si Kris sa pag-aartista.
Sobrang spoiled si Kris sa kanyang fiancé. Sila talaga ang itinakda para sa isa't isa. At pagdating sa pagnenegosyo, maraming natututunan si Kris kay Perry Choi.





Comments