top of page
Search
  • BULGAR

Bago pa ikasal… ARJO, IPINAKILALA NA SI MAINE SA MGA KAANAK

ni Nitz Miralles - @Bida | December 1, 2022



Magre-react na naman nito ang ilang diehard AlDub fans dahil sa post ni Sylvia Sanchez na dinala at ipinakilala ni Cong. Arjo Atayde ang fiancée niyang si Maine

Mendoza sa kanilang mga relatives.


Sabi ni Sylvia, “Maraming salamat, mga anak, Arjo at Maine, kahit napaka-busy n'yo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo, Arjo, si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo. Napakasaya ng puso ko. Salamat, mga anak. Truly appreciated!!!


Love u both.”


Mukhang nakipag-dinner sina Arjo at Maine sa mga kamag-anak ni Arjo na labis na ikinatuwa ni Sylvia dahil ipinakita lang ni Arjo na importanteng makilala ni Maine ang relatives niya bago sila ikasal.


Tuwang-tuwa rin ang ArMaine fans nina Arjo at Maine at maging ang mga fans ni Maine, nagpapasalamat na mahal siya ng mga Atayde.


Suwerte raw si Maine na si Sylvia ang mom-in-law niya dahil mabait siya. May sumagot naman na parehong masuwerte sina Arjo at Maine sa kani-kanyang magiging future in-laws dahil parehong mababait.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page