top of page

Bago pa ang kasal sa Spain sa May 16… BEA AT VINCENT, IKINASAL NA RAW SA MANILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 25, 2026



BEA AT VINCENT, IKINASAL NA RAW SA MANILA

Photo: File / Circulated



Mainit ngayon ang balitang nauna na umano ang civil wedding nina Bea Alonzo at Vincent Co bago pa ang kasal nila sa Spain sa May 16.


Ayon sa isang insider, naunang naganap ang civil wedding dito sa Manila at nagawa nila itong ilihim sa publiko.


Marami ang nagtataka kung bakit kailangan pa nilang gawin ang civil wedding gayung handang-handa na ang marangya nilang kasal sa Spain.


Tahimik din ang malalapit na kaibigan ni Bea sa gaganaping kasalan sa Spain. Tikom ang bibig ng lahat upang hindi masira ang anumang plano ng ikakasal.


Aabangan na lamang ng lahat ang magaganap na Wedding of the Year na tiyak na pag-uusapan sa buong bansa.





SA interview ni Matteo Guidicelli kay Ryan Agoncillo sa kanyang talk show, nilinaw ng Eat… Bulaga! host na hindi siya ang dahilan kaya hindi na tumatanggap si Judy Ann Santos ng pelikulang rom-com na may leading man.


May mga offers ngayon kay Juday para gumawa ng movie na kapareha ang ilan sa kanyang naging leading man, tulad ni Piolo Pascual at iba pa. Pero tila may pag-aalinlangan pa rin ang aktres kung tatanggapin ang proyekto.


Hindi naman siya pinipigilan ni Ryan na tumanggap ng pelikula. Sariling desisyon na ni Judy Ann ang mag-slow down muna sa paggawa ng pelikula. Hindi na rin siya komportable na gumawa ng movie na may kissing scene sa kanyang leading man.

Kapag may magandang istorya na dumating, saka na lang niya pag-iisipan na bumalik sa pag-arte.


Labinglimang taon nang kasal sina Judy Ann at Ryan. Natural lang daw na may mga away at tampuhan silang pinagdaanan.


Ayon kay Ryan Agoncillo, habang tumatagal ang kanilang pagsasama ni Juday ay marami rin silang natutuklasan sa ugali at pagkatao ng isa’t isa. Pero ang mahalaga ay napanatili nilang matatag ang kanilang relasyon. Magkaiba man sila ng paraan sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak, hindi nawawala ang respeto at pagmamahal nila sa isa’t isa.





ALL-OUT support sina Sunshine Cruz at Cesar Montano nang rumampa sa Bench Fashion Week ang anak nilang si Angela. Proud silang makita na may magandang exposure ang kanilang anak na kasamang rumampa ng mga sikat na celebrities.


Dati ay isa rin si Sunshine Cruz na rumarampa sa Bench fashion show kasama ang ilang hot mommas sa showbiz, kaya alam niya ang pakiramdam na mapabilang sa isang malaking event ng Bench.


Maging si Aiko Melendez ay sobrang excited din sa pagrampa ng anak niyang si Marthena Jickain sa Bench Fashion Week, kaya ganoon na lang ang kanyang pasasalamat kay Ben Chan na nagtiwala sa kanyang anak.


At sakaling naisin ni Marthena na maging bahagi ng showbiz, hindi magiging hadlang si Aiko. Gagabayan niya ang anak upang maabot nito ang kanyang mga pangarap.





DININIG din ng Diyos ang mga dasal ni Mark Herras. Ngayon ay abala siya sa kanyang mga shows sa GMA Network.


May special role siya sa Never Say Die (NSD). Kasama rin siya sa upcoming series na Firewall at nasa cast din siya ng The Master Cutter (MTC) na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.


Kahit paano ay maayos na kumikita si Mark upang buhayin ang kanyang pamilya. Gayunman, may mga pagkakataon na naiisip na rin niyang makipagsapalaran at mag-migrate sa United States (US). Ilang kaibigan na rin niya sa showbiz ang sumubok magtrabaho abroad.


Samantala, patuloy na umaalalay at nagbibigay ng moral support sa kanya ang ilan sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya.


Paminsan-minsan ay dumaraan siya sa depression dahil sa mga pagsubok sa buhay. Kailangan niyang magpakatatag alang-alang sa kanyang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page