Bago pa ang kasal, honeymoon inuna na… SEF, MAGIGING TATAY NA SA FIANCÉE
- BULGAR
- Oct 5, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 05, 2023

Masaya ang mga kaibigan ni Sef Cadayona sa ibinalita nitong preggy ang fiancée niyang si Nelan at parang mauuna pa siyang maging tatay kesa sa kasal nila.
Kaa-announce lang ni Sef na engaged na sila ng partner niya noong February 23, 2023, heto at “we’re pregnant” naman ang announcement niya.
Sa post ni Sef, tila Lemoine ang ipapangalan nila sa kanilang baby at marami agad ang nag-congratulate sa couple. Hindi nabanggit ni Sef kung ilang months nang buntis ang kanyang fiancée, hintayin natin ang iba pang info.
Si Sef ay napapanood sa Love Before Sunrise bilang boyfriend ni Vaness del Moral.
Pinatunayan ni Sef na hindi lang siya pang-comedy, bagay din siya sa rom-com.




Comments