top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bago pa ang kasal, aprub na raw… VILMA, HINIRITAN NA SINA LUIS AT JESSY NA I-ADVANCE ANG BABY

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2020
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 18, 2020




Walang pagsidlan ng tuwa si Star for All Seasons and Lipa City Representative Vilma Santos-Recto sa engagement ng panganay na anak nila ni Edu Manzano na si Luis Manzano with Jessy Mendiola.


Siyempre, alam na ni Ate Vi ang engagement before the announcement last Dec. 12 since October pa nga nu'ng mag-propose si Luis kay Jessy.


"They sent me a picture na itinuturo ni Lucky 'yung ring na suot-suot ni Jess, tapos hindi ko pa napansin nu'ng una, tapos biglang (nakita niya) 'Ano 'yun?' And then, pumunta sila rito sa bahay and ipinakita ni Jess 'yung ring,” pahayag ni Ate Vi sa panayam sa TV Patrol.


Ayon pa kay Ate Vi ay answered prayer ito dahil matagal na niya itong hinihintay.


"Matagal ko na ring hinintay kasi lagi kong sinasabi noon kay Lucky, 'You are not getting any younger.' Gusto kong ma-enjoy din niya 'yung family life,” aniya.


Needless to say, sobrang boto ni Ate Vi kay Jessy na nakilala niya ang pagkatao sa apat na taon na relasyon nito with her son.


“Nakita ko ‘yung minahal niya talaga si Lucky, mahal niya ang anak ko. Isang in-appreciate ko, she’s a very prayerful person. Nagro-rosary ‘yan everyday. And then nagkataon din na nalaman ko na malapit din siya sa family."


Noon pa ay very vocal din si Ate Vi na talagang gusto na niyang magkaroon ng apo. Biniro nga niya sina Jessy at Luis na kung puwede ay i-advance na ang apo.


Kuwento ni Luis in a separate interview, “Nu’ng kumain kami sa bahay, I think almost a month ago, sabi niya, ‘Hindi ba puwedeng pa-advance ng apo?’ sabi niya,” sabay-tawa.


Natatawa namang sey ni Ate Vi, joke lang naman daw ‘yun.


“Hindi, joke ko lang ‘yun sa kanila. Nu’ng nandito sila nu’ng dumalaw nu'ng post birthday, kasi sabi ko, 'Puwede bang advance na ‘yung apo?’ Tawanan lang sila. It was meant to be a joke,” sey ni Ate Vi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page