top of page
Search
BULGAR

Bago ni Richard, gamit na gamit daw… BARBIE, PUMALAG SA MGA NAGPAPAYAMAN SA PANINIRA SA KANYA

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 5, 2024



Showbiz News

Hindi na nakapagpigil si Barbie Imperial, inalmahan na ang mga socmed (social media) pages na ginagamit siya para tumaas ang engagement. 


May karapatang umalma ang aktres dahil mas marami ang negative na naisusulat at naire-report tungkol sa kanya, na karamihan naman ay hindi totoo.


Sey ni Barbie, “Ang daming pages ngayon na puro negativity ang ipino-post. Worse puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira.”


Naiintindihan naman daw ni Barbie na dapat kumita ang bawat tao, pero sana raw, hindi sa paninira at kasinungalingan ang ire-report.


“Nage-gets ko naman na kailangang kumita ng pera, sana sa paraang hindi magsisinungaling,” dagdag pa ni Barbie.


Nagpaalala rin si Barbie sa mga netizens na maging careful sa pagla-like at pagko-comment dahil pinayayaman lang nila ang mga may-ari ng mga socmed pages. Ang masakit pa nito, marami ang naniniwala sa mga maling napapanood o nababasa.


Umingay uli ang pangalan ni Barbie mula nang ma-link kay Richard Gutierrez at ang sama ng mga comments ng ibang netizens na hindi naman alam ang tunay na nangyari kina Richard at Sarah Lahbati. 


Si Barbie Imperial ang sinisisi ng iba sa pagkasira ng marriage nina Richard at Sarah, eh, wala nga naman siyang kinalaman du'n.


 

Very hands on daw…

RIA, PROUD KAY ZANJOE BILANG AMA


Zanjoe at Ria

NAG-POST si Ria Atayde ng video clip ng kanyang mag-ama sa kanyang Instagram (IG) Story kung saan makikita si Zanjoe Marudo na karga ang baby boy nila. 


Pinaaarawan ni Zanjoe ang baby boy nila at kita ang tingin nito sa anak na puno ng pagmamahal. Ini-repost naman ni Zanjoe ang post ni Ria. 


Proud si Ria sa pagkakaroon ng husband gaya ni Zanjoe at “great father” pa nga ang tawag niya rito dahil hands-on sa paghahanda ng baby stuff bago pa man niya isinilang ang first baby nila.


Suwerte rin sa kanila ang kanilang baby boy dahil may bagong project si Zanjoe Marudo sa ABS-CBN, produced ng Dreamscape Entertainment, ang Incognito.


 

May go signal naman daw… 

JON, NAGPAALAM SA INC BAGO 'NANG-RAPE' 


Jon Lucas

KAHIT naipalabas na ang episode ni Jon Lucas sa Regal Studio Presents last Sunday, kasama pa rin siya sa ipinainterbyu ng Regal. 


Rom-com ang episode na tinampukan nina Jon at Faith da Silva. Nagpakilig si Jon na sa Black Rider (BR) ay kinainisan ng mga viewers sa sobrang sama ng karakter bilang si Calvin Magallanes.


Napatunayan ni Jon na puwede rin siya sa rom-com at sa mga karakter na hindi pumapatay, hindi nangre-rape at hindi laging galit. Nag-enjoy siya sa Stuck On You (SOY) and also working with Faith, tatanggapin niya kung may ibigay pa sa kanyang ganitong project ang Regal at GMA.


Nabanggit ni Jon na dahil INC siya, kinailangan niyang ipagpaalam sa mga nakatataas ang gagampanang role sa BR. Sobrang sama ng karakter — nang-rape siya, walang habas kung pumatay at lumalaban sa tama.


Binigyan naman daw siya ng basbas na gampanan ang karakter ni Calvin at gawin ang mga eksenang puro kasamaan. Naintindihan daw ng INC na trabaho lang 'yun.


“Kung ‘di sila pumayag, ‘di ko gagawin ang puro kasamaang eksena na ‘yun. Kaya, nagpapasalamat ako sa INC. Nailabas ko ang ine-expect sa ‘kin ng aking mga directors at co-stars,” ani Jon.


Kung papipiliin, action ang gustong project ni Jon, pero okey din sa kanya ang rom-com para malaman ng mga fans na hindi lang siya pang-kontrabida. Kahit daw may asawa at mga anak na siya, marunong pa rin siyang magpakilig.


Anyway, mapapanood ang Regal Studio Presents every Sunday, 4:15 PM sa GMA-7. Three years na itong tumatakbo at magtatagal pa dahil marami pang story na gustong ikuwento ang mga nasa likod ng show.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page