top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bago napunta kay Rayver… JULIE ANNE, NOT ONCE BUT TWICE NALOKO NG 2 AKTOR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 18, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 18, 2023



Naging makatotohanan ang pag-arte ni Julie Ann San Jose sa kanyang role sa pelikulang The Cheating Game kung saan katambal niya ang nobyong si Rayver Cruz kasama sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez at Thea Tolentino.


Nakaka-relate siya sa naturang role dahil naranasan na ni Julie Anne na mabigo sa larangan ng pag-ibig.


Sa pagkakaalam namin, dalawang beses nang nasaktan ang puso ng Asia’s Limitless Star. Una niyang kabiguan ay sa isang sikat at guwapong aktor na hindi siya maamin noon dahil may ka-love team ito na bet na bet ng mga fans. Kaya’t kinailangan na isakripisyo ang kanilang pagmamahalan, alang-alang sa career ng guwapong aktor.


Ang isa pang yugto ng buhay-pag-ibig ni Julie Anne ay nang umibig siyang muli sa isang magaling na aktor na nakapareha niya sa isang serye. Alam ng lahat na marami nang nakarelasyon ang magaling na aktor, pero nagawa pa rin niyang paibigin si Julie Anne.


Ngunit dahil hindi seryoso ang aktor sa Asia’s Limitless Star ay nauwi rin sa paghihiwalay ang lahat. Ito ay labis na dinamdam ni Julie Anne, kaya matagal bago siya naka-move on sa naging kabiguan. Nag-focus na lang siya sa kanyang career.


Hanggang sa magkrus ang mga landas nila ni Rayver at muling nagkulay-rosas ang mundo niya.


It seems na ang Total Heartthrob na nga ang itinakda para kay Julie Anne.


Ang pelikulang The Cheating Game ay isang kakaibang love story na dapat panoorin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page