top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bago naging sikat na TV host… BOY, NATULOG SA LUNETA PARK NU'NG WALA PANG PERA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 28, 2022




Sa interview ni Jessica Soho sa King of Talk na si Boy Abunda, nabanggit ng huli na sobrang hirap ang mga pinagdaanan niya noon bago siya nagkapangalan sa telebisyon.


Tubong-Borongan, Samar si Boy Abunda at nang siya ay lumuwas sa Maynila ay sumabak siya sa maraming pagsubok ng buhay.


Naranasan niya ang matulog sa Luneta Park dahil wala siyang mapuntahan. Nakitira rin siya sa iba't iba niyang kamag-anak. Nakapagtrabaho rin si Abunda sa Metropolitan Theater (MET) at dito siya nagkainteres na magtrabaho sa showbiz.


Naging PR man din siya ng ibang singers-artista bago nagkaroon ng mga alagang contract artists.


Dahil sa hirap na kanyang dinanas, ipinangako ni Abunda sa sarili na magsisikap siya nang husto upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya, lalung-lalo na ang kanyang mahal na nanay. At nagawa naman niya dahil sumikat siya nang husto bilang TV host.


May laging paalala ang kanyang nanay kay Boy Abunda. Kahit daw saan siya dalhin ng kapalaran, lagi siyang maglaan ng panahon to come home. At ang pagbabalik niya ngayon sa GMA Network ay masasabi niyang "coming home” dahil dati naman niyang naging tahanan ang GMA-7.


Inaabangan na ng lahat ang programa ni Boy Abunda sa kanyang pagbabalik-Kapuso!


Hello, Boy… Usap Tayo kaya ang titulo ng kanyang talk show?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page