top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Bago man lang daw siya maging lola… NERI, TODO-PAKIUSAP NA MAKAPAGPA-SELFIE KAY SARA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 24, 2026



TALKIES - NERI, TODO-PAKIUSAP NA MAKAPAGPA-SELFIE KAY SARAH-IG _mrsnerimiranda & _justsarahgph

Photo: IG _mrsnerimiranda & _justsarahgph



Nagpahayag ng nakakakilig at taos-pusong bukas na liham ang misis ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na si Neri Naig para sa singer-actress na si Sarah Geronimo, kung saan inamin niyang matagal na niyang pangarap na makapagpa-picture kasama ang Popstar Royalty.


Saad ni Neri, “Dear Sarah G. Kailan kaya ako makakapagpa-picture sa ‘yo? Sana, bago ako maging lola, may picture naman tayo together... please.


“Ang tagal-tagal ko nang inaasam-asam na makapagpa-picture sa ‘yo, pramis!

“Nagmamahal, Neri.”


Well, sure si yours truly na kapag nabasa ni Sarah Geronimo ang mensahe ni Neri Naig ay pagbibigyan siya nito sa simpleng hiling niya.





EMOSYONAL na mensahe ang ibinahagi ng mga kapwa-artista at kaibigan sa industriya matapos ianunsiyo ng aktres na si Alex Gonzaga ang kanyang pagbubuntis kasama ang asawang si Mikee Morada noong Mayo 21, 2026.


Ang content creator na si Bea Borres ay nagpahayag ng pagbati para sa mag-asawa.


Sey ni Bea sa post niya, “Congrats, Ate Catherine! (Alex) You won’t message me anymore if alam na ni ganito, ganyan, ‘cause you finally announced it na!

“I’m so happy for you and Kuya Mikee, ily (I love you). Alam n’yo na why wala s’ya sa binyag.


“Even kay Blythe (Andrea Brillantes) na I tell all my secrets to, I didn’t say talaga.”

Samantala, ang vlogger na si Toni Fowler ay nagbahagi ng video clip kung saan makikita si Alex na masayang ipinapakita ang lumalaki niyang tiyan.


Sey ni Toni Fowler, “Bukod sa scandal (sex) ko, eto ‘yung nasa hidden ko, eh.

“Nu’ng panahon na ‘to, dinalaw ko s’ya at maliit-liit pa ‘yung tiyan n’ya.

“Grabe iyak ko kasi nabigla talaga ako, akala mo ako ‘yung ama.


“At masasabi kong worth it ‘yung pagsisinungaling ko sa maraming tao na tanong nang tanong kung buntis ba s’ya.


“Sobrang saya ko para sa ‘yo, Alex! Alam mo ‘yan! Hot mommy ka na! I love you so much!


“Simula ngayon, may bayad na ang pa-picture sa akin. Parang OB-GYN (Obstetrician-Gynecologist) lang, maaayos ko PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) mo at mabubuntis ka.”


Well, in fairness sa mga friendships ni Alex Gonzaga ay talagang masaya at love na love siya.


Congratulations again, Alex & Mikee Morada!





PATULOY na gumagawa ng marka sa music scene si Maki matapos umani ng 1 billion all-time streams sa Spotify bago ang Kolorcoaster Southeast Asian tour at paglabas ng bagong single na Habangbuhay Pansamantala.


Nasungkit ni Maki ang bagong milestone matapos ang tagumpay ng kanyang debut album na Kolorcoaster na nagtatampok ng hits tulad ng Dilaw, Namumula at Kahel na Langit


Ipapakilala rin niya ang makulay na mundo ng album sa international audiences sa Kolorcoaster Southeast Asian tour na gaganapin sa The Theatre at Mediacorp sa Hunyo 13 at sa Bengkel Space sa Hunyo 14. 


Nakatakda rin niyang bisitahin ang North America, Australia, at New Zealand. 

Bago simulan ang concert tour, ilulunsad ni Maki ang bagong single na Habangbuhay Pansamantala na mapapakinggan na ngayong Mayo 24. Inilarawan ng Kapamilya singer-songwriter ang awitin bilang ‘pink song’ na magsisilbing anthem para sa mga taong itinuturing na backburner sa isang relasyon.


Isinulat mismo ni Maki ang awitin habang ipinrodyus naman ito ng vocalist ng Nameless Kids na si Nhiko Sabiniano. 


Bago ang official release, inilabas ang preview ng kanta na umani na nang milyun-milyong views sa social media dahil sa mapanakit at relatable nitong mensahe.


Ipagdiriwang ni Maki ang bagong single sa dalawang fan events na Pink Fest na gaganapin sa TriNoma sa Mayo 29 at Pink Room sa Solaire Resort North. 

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page