Bago magtapos ang 2023… SARAH AT MATTEO, MAGKAKA-BABY NA
- BULGAR
- May 13, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 13, 2023

Ready na raw na magka-baby ang celebrity couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo bago matapos ang taon.
Natanong ito kay Matteo nang makapanayam siya ng entertainment press sa ginanap na mediacon para sa kanya ng GMA-7 para sa pagbabalik nito sa kanilang network.
Ani Matteo, "Four years ago, sabi ko, I will start choosing my projects wisely. Projects that will uplift the Filipino people and tell the stories of the Filipino people. So, I think this is the perfect platform and the perfect venue to do it."
Pagkatapos daw ng mga commitments nila ng misis na si Sarah, ang pagtutuunan naman nila ng pansin ay ang pagbuo ng kanilang sariling pamilya.
Dagdag ni Matteo, ready na siyang maging daddy at ang asawang si Sarah ay handa na rin daw na maging mommy.
Tiniyak ng aktor na bago matapos ang taong ito (2023) ay makakabuo na sila ng misis niya ng kanilang supling.
Sa ngayon, busy pa ang Popstar Royalty at katatapos lang ng 20th anniversary concert nito na ginanap kagabi, May 12.





Comments