Bago iturok ang Sinovac sa mga senior citizen, unahin muna si P-Duterte
- BULGAR
- Mar 20, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 20, 2021
HINDI RAW PUWEDE KAY P-DUTERTE ANG SINOVAC KASI SENIOR NA ‘TO PERO SA IBANG LOLO AT LOLA, PUWEDE?—Sabi nina Vaccine czar Ret. Gen. Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque III ay pinag-aaralan nilang iturok na rin sa mga senior citizens ang Sinovac na made in China.
Ganu’n? Matapos sabihin ni P-Duterte na hindi siya magpapabakuna ng Sinovac dahil hindi ito puwede sa senior citizen na tulad niya, tapos sasabihin nila ngayon na pinag-aaralang iturok ito sa mga senior citizens.
Kung sakaling ipipilit ‘yan nina Galvez at Duque, dapat kumbinsihin nila si P-Duterte na magpaturok ng Sinovac sa harap ng publiko para payagan ng kanilang kamag-anak ang kanilang mga lolo at lola na magpabakuna na rin ng Sinovac, period!
◘◘◘
SINOVAC, HUWAG GAWING EKSPERIMENTO SA MGA LOLA AT LOLA—Kung totoong hindi puwedeng iturok ang Sinovac sa mga senior citizens ay huwag na itong ipilit nina Galvez at Duque dahil mistulang gagawing eksperimento pa ang mga senior citizens.
Dapat isalpak nina Galvez at Duque sa kanilang kukute na isa lang ang buhay ng tao, kapag may nangyari masama sa mga naturukan ng Sinovac ay hindi na maibabalik ang kanilang buhay, period!
◘◘◘
PABIDA NI GALVEZ, SINOPLA NI LACSON—Sinopla ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pabida ni Galvez na sa December 2021 ay mabuti na kalagayan ng mga Pilipino.
Banat ni Lacson, paano nasabi ni Galvez na bubuti ang buhay ng mga Pinoy sa Kapaskuhan, eh, wala pang nabibiling bakuna ang Duterte gov’t. at ang nasa bansa pa lang ay ang mga donasyong Sinovac at AstraZeneca, boom!





Comments