top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg

Bago at ex ni Aljur… AJ AT KYLIE, MAGKASUNDO NA, NAGBIBIRUAN PA SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 14, 2026



BIDA - AJ AT KYLIE, MAGKASUNDO NA, NAGBIBIRUAN PA SA SOCMED_FB AJ Raval & Kylie Padilla

Photo: FB AJ Raval & Kylie Padilla



Siguro naman, titigilan na ang pamba-bash at patuloy na paninisi kay AJ Raval na inagaw daw nito kay Kylie Padilla si Aljur Abrenica. 


Ilang beses nang nagsalita si Kylie na walang agawang nangyari at paulit-ulit na rin itong sinasabi ni AJ, pero ayaw pa rin siyang tigilan ng mga bashers.


Ipinipilit ng mga bashers ang kanilang narrative at gusto talagang pag-awayin ang dalawang babae. Ang paniwala nila, hindi magkasundo sina Kylie at AJ dahil nga kay Aljur. Ito ay kahit nakikita nila sa post nina Aljur at AJ na magkasundo ang mga anak ng dalawang aktres na parehong si Aljur ang ama.


Ang latest post ni AJ na may interaction sila ni Kylie ang magpapatunay na okay silang dalawa. Ipinost ni AJ ang photo nila ng isa niyang anak na babae na may suot na mask at nag-react si Kylie.


Comment ni Kylie, “Ang cute n’yooooo!!! Gusto ko ‘yung butiki mo. Hehehe!” 

Sagot ni AJ, “Mas cute ka.”


Hindi ba maganda na magkasundo ang dalawang magagandang babae? Kaya sana, tigilan na ng mga bashers si AJ. Minsan, isinasama pa ng mga bashers pati ang mga anak ni AJ na wala namang ginagawa.





ANG sexy star na si Shalaine de Vera ang bida sa VMX movie na Latina. Kasama niya rito sina Chester Grecia, Mhack Morales at Athena Red sa direction ni King Abalos.


Graduate ng St. Paul’s College at Trinity University si Shalaine. Nagkaroon ng corporate job, pero dumating ang panahon na hindi na siya masaya sa araw-araw na ginagawa. 


May hinahanap siya at sa pagpasok niya sa showbiz at VMX, nakita ang fulfillment na hinahanap at wala siyang pagsisisi.


Nasa marketing daw siya, kaya lang, hindi niya makita ang sarili na sa desk job na lang ang gagawin niya buong buhay. Nag-try din siya ng field work, kaya lang, ‘di pa rin siya solb at masaya.


Looking forward si Shalaine to do more VMX movies at exciting and sexy scenes. 

Nakakatulong na tanggap ng parents ni Shalaine ang bago niyang trabaho — ang bago niyang mundo — at nangako siyang gagawin ang best niya sa mga pelikulang ibibigay sa kanya ng VMX.





Nakita raw ang galing ng player… 

GERALD, NILALANG NAKALARO SA BASKETBALL SI RENE BATERBONIA



BUMISITA si Gerald Anderson sa wake ni Rene Baterbonia sa Ateneo de Davao Senior High School sa Bangkal, Davao City. Nai-share ni Coach Jess Evangelio ang larawan ng aktor kasama ang mom ni Rene na si Rovelyn at sabi ng coach, “Thank you so much, Gerald Anderson, gypa smile nimo mama ni Rene maski kadali (You made Rene’s mother smile, even just for a moment).”


Sa interview ni Jeff Oli Gar kay Gerald, nagpahayag ang aktor ng lungkot at panghihinayang kay Rene na nakakalaro niya sa basketball. 


“‘Yang batang ‘yan, kalaro ko two months ago pa ‘yun. He had a very bright future. Tragedy talaga, nakakadurog ng puso, especially for someone in the basketball world, tapos nakita mo ‘yung potential ng bata.


“Mabait s’ya. I saw his last message yata sa coach n’ya, na ‘di muna s’ya uuwi kasi kailangan n’yang kumita ng pera dito sa Manila para masuportahan ‘yung pamilya n’ya. ‘Yun ‘yung true Filipino spirit. Tapos parang ganu’n lang ang mangyayari sa kanya.


“And I’m sure, ‘yung mga dasal natin, dapat nasa pamilya din n’ya. I’m sure ‘yung nanay n’ya, eh, durog na durog na. Even with the import (Divine Adili)... Just pray for their souls.


“And you know, it teaches us na dapat maging ano talaga tayo... appreciate every moment na meron tayo. Kasi ‘di talaga natin alam. But yeah, it’s sad.


“Hanggang ngayon, hanggang paggising ko kanina, ipina-process ko pa, eh... Talagang nu’ng nalaman ko... akala ko fake, eh. Sabi ko, ‘Huh?’ Nu’ng nalaman ko ‘yung balita, nakakadurog

ng puso.”


Hindi lang si Gerald Anderson ang nalungkot sa sinapit nina Rene at Divine, lahat ay nalungkot at hindi makapaniwala. Pare-parehong nagtatanong kung ano ang nangyari sa training na ‘yun.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page