Bagets na foreigner daw… AI AI, PINAKITAAN NG 'MANOY' NG KATABI SA EROPLANO
- BULGAR
- Jan 9, 2022
- 3 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 09, 2022

Habang pabalik ng 'Pinas, nagkaroon ng bad experience ang komedyanang si Ai Ai delas Alas sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California nu'ng Biyernes nang madaling-araw, January 7, 2022 (Biyernes nang gabi, Manila time).
May nakatabi siya sa eroplano na foreigner na exhibitionist at pinakitaan siya ng 'ari' ng nasabing seatmate na galing sa Dulles Airport, Dulles, Virginia.
Kuwento ni Ai Ai sa PEP.Ph, “Inilalabas niya 'yung t*t* niya. Natakot ako, bigla akong tumayo, inireklamo ko siya sa flight attendant. Nanginginig ako. Ang akala ko, hindi ako naintindihan ng flight attendant, 'yun pala, style niya 'yun para hindi magkaroon ng commotion.
“Nagpalipat ako ng upuan, iyak ako nang iyak. Grabe, parang naawa ako sa sarili ko. Wala kasi si Gerald (Sibayan), solo lang ako bumiyahe,” dugtong na kuwento ni Ai Ai.
Pansamantalang naiwan pala kasi sa kanilang tirahan sa Northern Virginia, USA ang kanyang mister na si Gerald.
Akala raw ni Ai Ai ay dinedma ng mga flight attendants ang kanyang sumbong.
"So, 'yung lalaking katabi ko sa upuan na nilipatan ko at mukhang mabait, inabutan ko ng note na may nakasulat na, 'Pagbaba natin, puwede po bang tulungan n'yo ako kasi pinagtitripan ako ng katabi ko. Natatakot po ako.'
“'Yun pala, naintindihan ako ng flight attendants. Nilapitan ako ng isang male flight attendant, from Seat Number 30, pinalipat niya ako sa Seat Number 10.
“Sabi niya, ‘Later on, the police will get him.’
“Tapos, tatanungin daw ako ng FBI dahil federal offense raw 'yun. Kailangan daw sagutin ko 'yung mga katanungan.”
Dahil sa insidente, na-delay ang pag-uwi ni Ai Ai dahil inimbestigahan siya ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa insidenteng nangyari sa loob ng eroplanong sinakyan niya galing sa Dulles Airport.
Kasama sa imbestigasyon ang mga flight attendants ng airline company na tumayo bilang mga testigo. Sila ang nagtimbre sa FBI tungkol sa indecent exposure na ginawa ng isang male passenger kay Ai Ai.
Detalyadong ikinuwento ni Ai Ai sa PEP.ph ang karanasang nagbigay sa kanya ng sobrang takot dulot ng nakatabing exhibitionist na pinakitaan siya ng 'ari'.
“Limang oras ang biyahe ko. Sumakay ako ng eroplano nang 10 PM sa Dulles Airport. Then, after mag-take-off, pinatay na 'yung mga ilaw. Bising-busy ako sa pag-browse sa cellphone ko dahil gusto kong manood ng movie, hindi ko ma-download.
"Tapos, sa peripheral vision ko, nakikita ko na tinatakluban niya ng kumot ang mukha niya, tapos aalisin niya. Ang akala ko, hindi siya makatulog.
“Sa peripheral vision ko, nakita ko na inilabas niya 'yung t*t* niya, pero in denial ako dahil naunahan ako ng takot. In denial ako na may ginagawa siya.
"Pero nang makumpirma kong tama 'yung kutob ko na nilalaro nga niya 'yung t*t* niya, nakatingin sa akin, napasigaw ako ng ‘What?!’
"Nu'ng sabihin ko na 'What?!' lalo niyang nilaro 'yung t*t* niya, du'n na ako tumayo at nagsumbong sa flight attendant.
“Sabi ko, 'He’s showing his penis to me.' Pero ang akala ko nga, hindi ako naintindihan dahil ang sabi lang niya, 'What?'
"Nilapitan ng flight attendant 'yung lalaki pero nagtalukbong lang ng kumot. Nag-pretend na natutulog.
“Binalikan ako ng flight attendant, tinanong ako ng ‘Are you alright?’ Pero iyak lang ako nang iyak. Natakot talaga ako, nanginginig ang buong katawan ko.
“Nang malapit na kaming mag-landing, nag-announce 'yung pilot na huwag munang bumaba ang mga pasahero. [In Tagalog] 'Sasabihin namin kapag puwede na kayong bumaba, may aasikasuhin lang.'"
Dahil sa ere pa lang ay naitawag na ito sa FBI, pagkalapag daw ng eroplano ay umakyat ang mga airport police at dinampot na ang lalaking exhibitionist. Agad daw pinosasan ang exhibitionist at unang pinababa mula sa eroplano.
"Pagbaba namin, kinuhanan ako ng statement ng FBI, pati 'yung mga flight attendants. Parang naawa sila sa akin dahil nakita nila, iyak ako nang iyak," ani Ai Ai.
“Sa five hours na biyahe namin, dalawang oras akong umiiyak.” sabi pa niya.
Sa tantiya ni Ai Ai, nasa edad 20 pa lamang ang bagets na nakatabi sa eroplano.
“Akala niya siguro, hindi ako magko-complain kasi para nga akong illiterate, 'di ba? Kasi may nakalagay na notice na 'yung charging ng mga cellphone, nasa ilalim ng seats. Eh, wala akong makita, so, nagpatulong ako sa kanya.
"In fairness, 'yung charger ko, inilagay niya sa ilalim kaya siguro ang feeling niya, tatanga-tanga ako kaya ginanu'n ako. Ang akala niya siguro, mangmang ako," pagtatapos na kuwento ni Ai Ai.








Comments