top of page

Bagay daw sa GF ni Ruru… BIANCA BILANG NEXT DARNA, APRUB SA FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2025
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 6, 2025



Photo: Bianca Umali - Sparkle Tour, IG


Tila nauuso ang pagpo-post ng pictures na nakatalikod ang subject. Nauna na si Tom Rodriguez at ngayon naman, si Bianca Umali. Iba ang dating sa post niya ng picture ng Lola Vicky niya kasama ang boyfriend na si Ruru Madrid. Inaalalayan ni Ruru ang lola ni Bianca na lalong nagpaantig sa puso ng mga nakakita.


Simple lang ang caption ni Bianca sa post niya, “2 in 1: 2 pillars of my life in 1 photo.” 


Sumagot si Ruru ng “Mahal ko kayo,” na pinusuan ng mga netizens.

Sa mga interviews sa kanya, laging binabanggit ni Bianca kung gaano niya kamahal ang lola niya na nagpalaki sa kanya mula nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Bago dumating si Ruru sa buhay ni Bianca, dalawa lang sila ng lola niya, pero ngayon, sabi nga nito, dalawa na ang pillars niya.


And speaking of Bianca, may request ang mga netizens sa GMA na pagkatapos ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLCS), gawin din ng network ang Darna at kay Bianca pa rin ibigay ang nasabing project.


Bagay daw kasi sa aktres ang maging bagong version ng Darna at kayang-kaya nito ang mga stunts dahil galing na siya sa matinding training sa Sang’gre


Hindi na raw kakailanganin ng matagal na training ni Bianca kung siya ang mapipili para muling lumipad sa Darna.


Kaya lang, bago lumipad, makikipaglaban muna si Bianca sa mga manggugulo sa Encantadia


Sa June 16 na ang premiere ng fantaserye na marami ang nagmahal at marami pa rin ang nagmamahal. Ang daming bagong karakter na dapat abangan at isa sa mga gustong mapanood ng Encantadiks ay kung paano napuno ng yelo ang EDSA. Kaya abangan!


Tahimik daw ang buhay, Carla…

TOM, IPINAGSIGAWANG SOBRANG SAYA SA BAGONG DYOWA


Ang ganda ng caption ni Tom Rodriguez sa family post niya kung saan ipinakita ang partner niya (baka wife na niya) at ang baby boy nila. Nakatalikod nga lang sa photo ang mag-ina ng aktor.


“Some treasures in life are too sacred to put on full display. This isn’t about hiding... it’s about holding.


“Holding close to what grounds me. What restores me. What reminds me of who I am beyond the lights, the noise, and the roles I play.


“This family of mine is my sanctuary... My peace. And in a world that often demands a performance, they are where I’m most real. #FamilyFirst #Gratitude #QuietJoy #Sanctuary.”


Ang gaganda rin ng comments sa post na ito ni Tom at sa nag-comment ng masaya siya para kay Tom at bagay sa kanya na masaya siya, ang sagot ng aktor, “Sobra-sobrang saya araw-araw!”


Wish ng mga fans ni Tom na sa Father’s Day sa June 15, may face reveal na siya kay Baby Korben at sa mom nito at pati raw name ng partner ni Tom, isama na rin sa reveal para mas masaya.




BALIK-HOSTING na uli si Luis Manzano after ng elections at babalikan nito ang mga game shows niya sa ABS-CBN. Una niyang babalikan ang Rainbow Rumble (RR), this June na raw ang simula nito, kaya tama ang mga humula na ang nasabing game show ang unang gagawin ni Luis.


Si Luis din ang host ng mga dati niyang game shows gaya ng Kapamilya Deal or No Deal (DOND) at Minute to Win (MTW). Kaya ang comment ng mga netizens, panalo pa rin si Luis kahit natalo sa nakaraang eleksiyon.


Ang request ng mga Kapamilya fans, ilagay sa 5:30 PM slot ang RR katapat ng Family Feud (FF) ng GMA-7 na si Dingdong Dantes ang host. Makakatapat din daw nito ang Una Sa Lahat (USL) ng TV5.


May nakita kaming picture ni Luis na kuha yata sa taping ng RR dahil kasama niya ang staff ng game show at si John Prats na director ng show.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page