top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bad trip na kinumpirma ang hiwalayan nila… BEA AT DOMINIC, IPINAGTANGGOL NA NINA BOY AT OGIE, BINIRA PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2024
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 14, 2024



Hindi nagustuhan ng ilang showbiz press ang pasaring nina Dominic Roque at Bea Alonzo sa mga taong kumumpirma ng kanilang breakup prior to their joint statement.


Matatandaang last Sunday ay nag-release ng joint statement ang BeaDom sa Instagram confirming their breakup. Pero ang nakakaloka ay may bahagi roon na nagparinig sila sa mga taong kumumpirma ng hiwalayan without their consent.


“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,” ang bahagi ng joint statement ng ex-couple.


Sa pagkakaalam namin ay dalawa lang naman ang kumumpirma ng kanilang breakup at ito ay sina Boy Abunda at Ogie Diaz. Kaya malinaw na patama sa dalawa ang nasabing statement.


Nakalimutan yata nina Bea at Dominic na ipinagtanggol sila nina Kuya Boy at Ogie laban sa katakut-takot na batikos sa kanila ng mga tao. Hindi na nga sila nagpasalamat, binira pa nila.


Alam na alam nina Bea at Dominic na marami nang nakakaalam ng kanilang hiwalayan bago pa man nila ito isinapubliko. At hindi rin naman ito makakalabas sa showbiz kung wala silang sinabihan.


‘Yung pagkumpirma nina Kuya Boy at Ogie ay galing sa kanilang sources na for sure ay nakakaalam ng mga pangyayari. It’s either sina Bea at Dominic mismo ang nagsabi nito or puwede ring malalapit sa kanila. 


Bottom line, sa kanila rin galing ang mga detalyeng ibinalita ng dalawa kabilang na ang pagsosoli ng singsing ng aktres. Paano naman ito malalaman ng iba kung hindi nila ito ikinuwento, aber?


Pati nga ang mga condo unit ni Dominic ay nakalkal na pag-aari raw ng iba. Paano naman 'yan makakalabas nang walang nagsasabi from their camp? 


For the longest time ay walang nakakaalam niyan at ngayon lang pumutok ang balitang ‘yan. Tapos, sasabihin nila na ginawan daw sila ng maling balita ng press? Nakakaloka!


Sa tagal nila sa showbiz, for sure ay alam na alam nila ang ganitong sistema. For sure ay alam nilang may lalabas at lalabas na balita about the breakup and more, since may mga sinabihan sila.


Kaya tigil-tigilan nga kami nina Bea at Dom ng mga drama nilang pa-victim or akala mo, inaapi ng press!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page