top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bacolod at Nueva Ecija, malakasan ang porma

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2021
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 17, 2021





Pinaganda ng All-Star Bacolod Ballers ang kanilang pag-asa na makapasok sa quarterfinals ng CTG Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational 2021 matapos tambakan ang Caloocan Excellence, 85-65, Huwebes sa MOA Arena. Sa naunang laro, nanatiling perpekto ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa Grupo C at pinayuko ang MJAS Zenith Val City, 100-77.


Tabla ang Bacolod at Caloocan matapos ang first quarter, 20-20, subalit nakakuha sila ng lakas kay forward Nhomer Gonzles na nagtala ng 18 puntos at 14 rebounds bilang reserba at sina Kraniel Viloria at Camillus Altamirano na may tig-13 puntos.


Sina Viloria at Altamirano ang bumida sa paglayo ng ABB sa second quarter kung saan nagsama sila para sa 12 puntos para sa iskor na 48-32. Nagtulungan si Gonzales at Viloria na itayo ang kanilang pinakamalaking agwat, 83-61, at itakda ang kanilang kartada sa 3-1 panalo-talo sa Grupo A.


Inilabas ng Rice Vanguards ang kanilang depensa na nag-resulta sa umaatikabong opensa, ang unang pagkakataon na may koponan na umabot ng 100 puntos sa torneo.


Bumida sina Will Gozum at Christopher Bitoon na parehong may 16 puntos at sinundan nina Renz Palma at Byron Villarias na parehong may 14 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page