Bachmann, kapalit ni Eala bilang chairman ng PSC
Updated: Jan 3, 2023
ni Gerard Arce @Sports | December 29, 2022

Uupo bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) si dating Alaska Milk governor at season 85 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament commissioner Richard “Dickie” Bachmann kapalit ang napatalsik na si Atty. Emmanuel “Noli” Eala, habang isang bagong commissioner ang itatalaga sa katauhan ni dating Cebu City Sports Commission chairman Edward Hayco.
Kinumpirma ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy ang pagkakahirang kay Bachmann at sa dating Cebu City Sports Commission chairman at Cebu City Dancesport team head upang samahan si dating 4-time bowling World champion at legendary bowler Olivia “Bong” Coo bilang isa sa mga commissioner’s ng ahensiya ng pampalakasan. “Yes, he was replaced and additional commissioner Edward Hayco,” pahayag ni Iroy Miyerkules ng hapon. “[We can’t give what’s the reason(s)], but only in Malacanang can answer,” dagdag ng Davaoeno-native sports official na kasalukuyang naka-leave sa kanyang pwesto.
Idinagdag din ni Iroy na nakatakdang umupo sa puwesto ang dalawang sports official sa susunod na taon, kung saan nasa Estados Unidos pa umano si Bachmann. “Kapag nag-report to work, they can assume the office, for now nasa US daw eh,” wika ni Iroy.
Kinumpirma naman ni Philippine Squash Academy President Robert Bachmann na ang kapatid niya ang pangunahing kinokonsidera bilang top honcho ng PSC kung saan tatlong linggo na umano nilang alam ang naturang balita. “We knew he was being considered like maybe 3 weeks ago. But kept it quiet. Cause, who really knows, right?,” saad ng squash chief. “He is abroad with his family I spoke with him this morning.”
Sinabi rin ng nakatatandang Bachmann na wala silang ibang narinig na ibang pangalan na papalit sa puwesto ni Eala. “Didn’t hear any other names being floated. Not really sure who else applied.”





Comments