top of page
Search
  • BULGAR

BABY SHOWER NG PANGALAWANG ANAK NINA TONI AT PAUL, SA M'CAÑANG GINANAP

ni Julie Bonifacio @Winner | June 5, 2023



Ibinunyag na ni Toni Gonzaga ang ikalawa niyang pagbubuntis sa kanyang mister na si

Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano.


Mapapanood sa ipinost na video ni Toni sa kanyang Instagram ang mga kaganapan nu’ng baby shower niya. Present dito ang kanyang one and only sister na si Alex Gonzaga at ang mga kaibigan ng actress-TV host including Mariel Rodriguez.

Caption ni Toni sa kanyang IG post: “Super grateful to my dear friends, @camillevillarofficial, @emaglipayvillar, @che.uy168, @marieltpadilla and sisters @cathygonzaga, @winniewong for throwing us the most memorable shower! So thankful to our family and friends who celebrated with us this new blessing!”


Very evident na mas marami pang nasa pulitika ang um-attend sa naturang baby shower ni Toni kesa sa mga taga-showbiz.


Kabilang dito si Las Piñas Rep. Camille Villar and brother Sen. Mark Villar with his wife, Emmeline Aglipay-Villar, Sen. Loren Legarda, Sen. Robin Padilla, First Lady Liza Araneta-Marcos and Presidential Son and Ilocos Norte Congressman Sandro Marcos.

Nandoon din ang business tycoon and founder of Udenna Corp. na si Dennis Uy kasama ang kanyang wife na si Che Uy.


Bagama’t matagal nang nababalita ang muling pagbubuntis ni Toni, wala naman itong inilabas na statement na confirmation or denial tungkol sa kondisyon niya.


Anyway, kahit noong 20th anniversary concert ni Toni sa Araneta Coliseum last January ay pinagdududahan na ang kalagayan ng actress-TV host.


Napansin kasi ng mga netizens na hindi itinodo ni Toni ang kanyang performance sa naturang concert at tila ingat na ingat ito sa pagkilos.


Siyempre, marami ang natuwa na biniyayaan muli ng baby sina Toni at Direk Paul.


Nadagdagan ulit sila ng bagong kapamilya after ng panganay na anak nilang si Seve.


Feeling namin ay girl na ang second child ni Toni dahil may ibinigay din itong clue with her color light pink heavy/long dress. Saka, ang ganda ng mukha ni Toni ngayon at bilog na bilog ang kanyang tiyan.


Duda namin ay nasa ika-walong buwan na ang baby sa loob ng tiyan ni Toni. At parang mas malaki ang baby bump ngayon ng actress-TV host kumpara noong ipinagbuntis niya ang panganay na anak.


Sa kabilang banda, durog naman si Alex sa mga comments at posts ng mga netizens.


“Nakaka-dalawa na ang Ate Toni mo, ah! Ikaw, wala pa rin?!?!”


“Ano na, Ms. Alex?! Naka-dalawa na ang ate mo, oh!”


Pinuna naman ng ibang netizens ang napaka-insensitive na mga komento sa naturang IG post ni Toni.


“May mga tao talagang insensitive sa mga sinasabi or comment. Hindi pa nila time na magkaroon ng anak kaya wala pa. ‘Wag masyadong madaliin ang mga bagay-bagay, lalo na at ‘di mo naman buhay ‘yan! Jusko! Laging kayo, may comparison! Bakit ‘di na lang kayo mamuhay nang normal at matuwa sa success ng iba?! Tsk!”


Samantala, nag-react naman ang ibang netizens sa venue kung saan ginanap ang nasabing baby shower for Toni.


“So, saan ginanap ang baby shower?! Bakit parang sa Palasyo (ng Malacañang)?!?!”


Pero, may ibang netizens naman ang nagsabi na baka sa Manila Peninsula raw ginanap ang baby shower ni Toni para sa kanyang second child.

So, there you have it.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page