top of page

Baby, ine-enjoy lang… WINWYN, ‘DI PAKAKASALAN NG TATAY NG ANAK

  • BULGAR
  • Jun 6, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 6, 2022



Hands-on mom din pala ang beauty queen na si Winwyn Marquez gaya ng singer na si Angeline Quinto.


Magkasunod na nanganak ang parehong first-time moms na sina Angeline at Winwyn. At the same time, pareho rin silang hindi kasal sa ama ng kani-kanilang babies.


Sa ginanap na bonggang grand launch ng AQ Prime Stream (bagong online streaming app) last Saturday, June 4, naispatan ng ilang guests and entertainment writers si Winwyn. Kasali kasi ang first lead movie niya titled Nelia sa bagong streaming app.


Ang Nelia ay isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival last December, 2021. Ang producer ng movie niya na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño ng AQ Prime ay mga top executives din ng bagong streaming app. At nu’ng Sabado nga ay nasaksihan namin ang signing ng Memorandum of Understanding ng AQ Prime at ng Korean partner nilang SBT Entertainment na ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.


Pagkatapos makabati sa mga producers niya sa AQ Prime at umapir on stage para ipakilala ang buong cast and crew ng Nelia on stage ay nilinaw ni Winwyn ang isyu sa estado ng nababalitang kasal nila ng ama ng kanyang baby na si Luna.


Napag-uusapan na raw nila ng partner niya ang tungkol sa kasal, pero wala pa talagang konkretong plano. Kasi nga, kapapanganak pa lang daw niya.


But definitely, keri ng kanyang live-in partner na pakasalan siya. In short, walang sabit sa ibang babae ang businessman lover ni Winwyn gaya ng lumalabas na tsika.


And also, pareho man silang umayon na magpakasal na, definitely, hindi raw magaganap ito ngayong taon. Priority daw kasi ni Winwyn si Baby Luna at mine-make sure na healthy and safe ang kanyang first born.


Gaya ni Angeline, magkahalong hirap and enjoyment ang napi-feel niya sa pag-aalaga sa kanyang anak. Pero, nami-miss na rin daw niya ulit umarte.


Hopefully, makaarte na siya ulit. May offer na rin kasi kay Winwyn kaya wish niyang makahanap na raw sila ng yaya after six months.


Anyway, ipinakita ang trailer ng first set of films na ipapalabas sa AQ Prime Stream.


Based sa mga napanood namin na trailer, impressive ang horror movie ni Direk Joven Tan titled Huling Lamay na pinagbibidahan nina Buboy Villar at Marlo Mortel.


Pangalawa na sa nakatawag-pansin din ang movie ni Devon Seron na Z-Love at ang Bingwit.


Ang iba pang pelikula na mapapanood sa AQ Prime Stream ay Ligaw, Anatomiya, Pula ang Kulay ng Gabi, Abandoned, Loser-1, Suckers Zero at ang Pyri Teyl ni Direk Joel Lamangan.


Habang sa listahan ng Director’s Cut by AQ ay mapapanood naman ang Adonis X, Upuan, Bingwit, Mang Kanor, Cuatro, Amazona, Sosyal Medya, Baka Sakali at La Traidora.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page