BABY GO, PROUD NA 17 MOVIES ANG NAGAWA
- BULGAR
- Jan 4, 2024
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | January 4, 2024

Bago magsara ang 2023 ay isang bonggang pre-New Year Party ang inihandog ni Baby Go sa kanyang mga kaibigan sa business sector at entertainment media.
Busog sa kasiyahan ang lahat ng bisita ni Madam Baby, hindi lang sa pagkain kundi sa raffle prizes at parlor games, lalo na ang showbiz press. Pero ang mas lalong ikinatuwa ng lahat ay ang pahayag ni Madam Baby na muling gagawa ng pelikula ang BG Productions, Inc.
Last time ay nakagawa ang produksiyon ng 17 pelikula na halos lahat ay multi-awarded hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba't ibang bansa rin.
Aniya, “May mga naka-line-up na kaming projects. Nakapag-meeting na rin kami ng production staff ko. I can confidently say that we are ready to make movies again this year.”
Ibinalita rin ng BG Productions matriarch ang collaboration nila ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para sa pelikulang One Dinner A Week na pagbibidahan nina Edu Manzano, Ritz Azul at Barbara Milano, mula sa direksiyon ni Lester Dimaranan.
Muli rin daw bubuksan ni Madam Baby ang kanyang BG Showbiz Plus magazine.
“Naniniwala pa rin ako na may market pa rin sa print," aniya.
Present sa party ang mga kaibigan ni Madam Baby na sina Imelda Papin, Atty. Jose Villanueva at ang maybahay nito na si Malou, William Castro ng FFCCCII, at ilang members ng Chinese Chamber of Commerce, mga representatives ng Masagana Partylist, ang officer ng Pardsss na si Oyette Banayo, at ang line producer ng BG Productions na si Dennis Evangelista. Of course, in full support din ang mga anak, manugang at apo ni Madam Baby na sina Jean Go-Marasigan, Patty Go-Gamboa, Pamela Go-Novera, at Jerome Go.
Naghandog din ng awitin sina Aileen Papin, Bamboo Bobadilla, Janah Zaplan, at ang surprise performer nu'ng gabing 'yun na si Atty. Topacio.
Talagang super-enjoy ang lahat that night dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Madam Baby sa dalawang industriyang kanyang ginagalawan.
"This only happens once a year. Marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat, so our party should be memorable," sabi pa ni Madam Baby.
Kahit na matagumpay na sa kanyang mga negosyo si Madam Baby, malalim ang pagmamahal niya sa showbiz industry.





Comments