Baby bump, obyus na, Paulo… KIM, 3 MONTHS BUNTIS NA RAW
- BULGAR

- 2 hours ago
- 4 min read
by Janiz Navida @Showbiz Special | September 5, 2026

Photo: IG _chinitaprincess
Trending ang ilang video reels na ipinost ni Kim Chiu kahapon sa kanyang Facebook page – merong 7.6 M views, 3.3 M views at 1 M views.
Ang laman ng mga naturang FB reels ay ang kapansin-pansing laki ng tiyan ni Kim habang nagho-host at slight na sumasayaw sa It’s Showtime.
Bagama’t loose dress na may blazer na pang-ibabaw ang suot ni Kim, ang unang mapapansin sa kanya ay ang bahagyang umbok sa kanyang tiyan.
Kaya naman sa comment section, mababasa ang hula ng ilang netizens na 3 months na raw siguro ang ipinagbubuntis ni Kim.
Although, hindi naman ito ang first time na natsismis na buntis ang aktres courtesy of her rumored boyfriend na si Paulo Avelino. Ilang linggo na rin kasing napapansin ng mga fans ni Kim at ng KimPau fanatics nila ni Paulo na may baby bump ang aktres, pero ang paliwanag nga ni Kim, sa suot lang daw niyang damit.
But lately, kaya ayaw matigil ang tsismis kay Kim ay dahil maraming nakakapansin na puro maluwang nga ang mga isinusuot niyang damit, at pati raw paggalaw nito ay parang ingat na ingat, gayung kilala ng mga fans na may pagka-galawgaw ang aktres.
Well, kung sakali mang buntis nga ang Chinita Princess kahit ‘di pa ito ikinakasal, tanggap naman daw ng kanyang mga fans at fans nila ni Paulo at hindi siya idyina-judge ng mga ito dahil nasa tamang edad naman na raw si Kim.
Mas happy pa nga ang mga fans na mabuntis na siya, at least daw, sure nang may baby siya kahit hindi magpakasal.
Ian, laglag pa rin…
LOTLOT, IPINAGSIGAWANG PROUD SA MGA UTOL NA SINA MATET, KIKO AT KENNETH
GUEST kahapon sa Fast Talk with Boy Abunda si Ms. Lotlot de Leon at siyempre, hindi pinalagpas ni Tito Boy Abunda na kumustahin ang relasyon ng aktres sa kanyang mga kapatid.
Sa sinabi pa lang ni Lotlot na “I’m just proud of Matet, Kiko and Kenneth for being the best parents that they can be for their children,” na-feel na naming hindi pa rin sila okay ng kanyang kapatid na si Ian de Leon.
Kung matatandaan, ilang buwan na ang nakararaan ay naging mainit na isyu sa showbiz ang tampuhan ng biological son at mga adopted children ni the late Superstar Nora Aunor dahil sa usapin ng mana at foundation na itinayo ni Ian nang hindi raw ipinaalam sa kanyang mga kapatid.
And true enough, na-confirm naming hindi pa nga rin talaga nagkakaayos ang magkakapatid dahil sa tanong ni Tito Boy kung naniniwala ba si Lotlot na maaayos din ang gulo sa kanilang magkakapatid, ang sagot ng aktres ay,
“Ipinapasa-Diyos ko na lang, Tito Boy. In God’s time. Ayokong pangunahan ang Panginoon.”
Inamin din ni Lotlot na hindi pa talaga sila nakakapag-usap ulit ni Ian after ngang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Sa kabila nito, sabi ni Lotlot, “But you know, whatever his plans are, I wish him well. I wish him well. I wish him to succeed. I wish him all the best. Basta ako, as I said, I’m focusing on myself, Tito Boy, sa mga anak ko, sa trabaho ko. And kung kailangan ako ng mga kapatid ko, I will always be there.”
Samantala, natanong din ang aktres tungkol naman sa relasyon ng panganay niyang si Janine Gutierrez sa boyfriend nitong si Jericho Rosales.
Sa tanong ni Tito Boy na, “Boto ka kay Jericho Rosales?” ang bilis ng sagot ni Lotlot na, “I love him. Yes, very much. He’s such a wonderful man. Napakabait na tao.”
Nilinaw din niyang nasa edad na si Janine para magdesisyon para sa sariling buhay nito.
“Hindi na kailangang magpaalam sa akin ni Janine. Kung anuman ang desisyon ng anak ko, I’d like to think I’ve raised my daughter with good heart. Hopefully, she makes the best decision for herself. I trust her very much,” ayon kay Lotlot.
At sa tanong kung handa na ba siya sakaling magsabi na ang dalawa na magpapakasal na, “Handa ako. Handa na ako ru’n. Matagal na.” masayang pahayag ng aktres.
RAIN or shine, tiniyak ni Charity Diva Token Lizares na tuloy na tuloy ang kanilang The Blessed One Concert for a Cause ngayong September 5 sa L’Fisher Hotel sa Bacolod at 7 PM.
Ang concert na ito na pre-birthday gift kay Mama Mary (on Sept. 8) ay para sa dalawang foundations na tinutulungan ni Tita Token – ang Capuchin Tertiary Sisters of the Holy Family (nangangalaga sa mga underprivileged and abandoned children) at Servants of Mary (na tumutulong naman sa mga sick and poor children).
Dalaga pa lang ay singer na si Tita Token at nagtrabaho rin abroad bago naging businesswoman dito sa ‘Pinas. May mga sarili na rin siyang negosyo pero patuloy siyang nagpo-produce at nagpe-perform sa concert hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga madreng tinutulungan niya, gayundin ang mga maysakit at nangangailangan.
Todo-pasalamat din si Tita Token dahil tulad niya, may mga kapwa singers siyang naglalaan ng panahon at handang mag-share ng kanilang talent para makatulong sa mga beneficiaries ng concert.
Kabilang sa mga special guests na makakasama ni Tita Token sa The Blessed One sina Mitch Valdez, Jun Polistico, Patricia Javier, Lance Raymundo, Radha, John Ryan Englis at Moments Band.
Thankful and grateful din daw si Tita Token sa mga kaibigang nag-i-sponsor at bumibili ng tiket para maging successful ang The Blessed One.
Well, no wonder Charity Diva ang title ni Tita Token Lizares dahil napakawagas ng puso niya sa pagtulong.





Comments