Baby, ayaw daw dumede sa kanya… KRIS, FEELING 'DI MABUTING INA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 17, 2023

Humingi ng tulong si Kris Bernal sa mga netizens dahil sa kanyang problema sa baby nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.
Ayon sa aktres, ayaw dumede sa kanya ni Lucca at sobrang napakasakit daw nito para sa kanya.
“My baby is having nipple confusion. I don’t know how it happened. And it breaks my heart that she’s already having difficulties latching onto my breasts!
“Ang sakit-sakit! I cry every time she refuses!” pagbabahagi ni Kris sa kanyang Instagram Story.
Dahil dito ay kinukuwestiyon na raw niya ang sarili kung mabuti ba siyang ina.
“What did I do wrong! Huhu! Ang dami ko nang doubts sa sarili ko kung nagiging mabuti ba akong ina o hindi,” aniya.
Sa ibaba ay may box na “send help” which means humihingi siya ng payo or suggestions mula sa mga netizens.
Hopefully ay maraming magpayo at tumulong kay Kris para ma-solve ang kanyang problema.





Comments