Babu uli kay Sen. Chiz… HEART, AYAW MAGPAHINGA SA PAGRAMPA, NASA GUCCI EVENT NAMAN
- BULGAR
- Nov 22, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 22, 2022

Ang feeling ng mga nakapanood sa vlog ni Heart Evangelista kung saan sinabi nitong, “Hindi puwedeng ma-relax. Kailangan todo pa rin. Hectic dapat. Kailangang aligaga, ‘yun 'yung goal,” sagot niya ito sa isyung pang-iisnab kina Dra. Vicki Belo at Alex Gonzaga na nakasabay niya sa isang fashion show sa Milan Fashion Week.
“At hatiin natin ‘yung katawan, Paris and Philippines. Ganu'n lang talaga ‘yung life. A well-balanced life, hati ang katawan. So let’s begin the day.”
Parang gusto raw sabihin ni Heart na dahil hectic ang schedule niya, wala siyang time to relax at makipagtsikahan.
Kinlaro na rin naman nina Dra. Vicki at Alex na nagbibiro lang sila nang banggitin na inisnab sila ni Heart, kaya case closed na ang isyu.
And speaking of Heart, nasa Paris na naman pala ito at dumalo sa Gucci event. Sunud-sunod talaga ang imbitasyon kay Heart sa labas ng Pilipinas, hindi na siya napipirmi sa bansa at sa bahay nila ni Sen. Chiz Escudero.





Comments