top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Babu sa showbiz… ANGELICA, MAG-AALAGA NA LANG NG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 10, 2023




Masayang-masaya ang mga kaibigan ni Angelica Panganiban dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang tunay na kaligayahan na naging mailap sa kanya noon.


Ilang beses na siyang nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig, hanggang sa natagpuan niya si Gregg Homan na tinanggap siya nang buung-buo.


Si Gregg ang ibinigay sa kanya ng Diyos upang makasama sa buhay. At nakumpleto ang lahat nang pinagkalooban siya ng anak, si Baby Amila Sabine.


Higit pa sa anumang acting award at tagumpay sa kanyang career ang kanyang nakamit.


Dininig ng Diyos ang kanyang mga dasal at wala na siyang mahihiling sa buhay kahit na pansamantala niyang talikuran ang kanyang showbiz career.


Aalagaan na lang niya ang kanyang “Little Angel” na si Amila Sabine.


Wish nga ng kanyang mga kaibigang sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Bela Padilla, atbp. ay magtuluy-tuloy na ang kaligayahan ni Angelica. Deserve naman niyang maranasan ang mahalin at maging isang ganap na ina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page