Babu sa 'Pinas… ECHO, GUSTONG MAGING HOLLYWOOD ACTOR, NAG-AARAL NG ACTING SA USA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 4, 2022

Nag-enroll si Jericho Rosales ng acting course sa New York, USA, bagama't wala pang katiyakan kung permanente nang maninirahan du'n ang aktor with his wife, Kim Jones.
Kaya pala natahimik ang socmed ni Jericho sa kalagitnaan ng pandemya ay tahimik itong lumipad patungong Tate.
Nito na lang uling last week ng January nang maging active muli si Echo sa socmed kung saan ang una niyang post ay nasa New York siya at naghihintay kung may magdadaang nagtitinda ng taho.
Sinabi rin niyang nasa New York siya at nagbabaka-sakaling matupad ang pangarap na maging Hollywood actor.
Back to zero nga raw sila ng misis niyang si Kim dahil wala silang kasiguraduhang hanapbuhay doon.
Ang tanging dala-dala ni Echo ay ang husay niya sa pag-arte.
Para madagdagan pa ang kaalaman sa kanyang craft ay nag-enroll ang aktor ng acting classes.
Post ni Echo sa kanyang IG account, "Acting workshops — one of my happy places. This stoke is for everyone! Acting should be taught in schools. Anyway, I made a new friend and had a good walk. #gettingreadytowork."
Ang mga tagahanga ng aktor ay nagwi-wish na matupad ni Echo ang pangarap.
"Wow. I love that he's trying to improve on his acting skills."
"Magaling ka na Echo, pero good job, willing ka pang i-improve ang sarili mo!"
"Iba po kasi atake sa Hollywood. Pansinin n'yo, mostly Southeast Asian male actors, madalas umiiyak at de-gripo ang luha sa eksena, while sa Hollywood, bihira at limited scenes lang kung kelan dapat umiyak. Overly dramatic kasi sa 'Pinas while sa Hollywood, may leveling ng subtle to over the top."
"Ito nga rin una kong reaksiyon. Ang galing na ni Echo umarte, pero nakakatuwa na he's still willing to learn. Learning never stops, 'ika nga."
"Good move ito kasi more than the skills, which he already has a good set of, this will also potentially get him connected to the right people. I hope he succeeds because he's a good man."
"Mukhang Hollywood and target ni Echo. Wish you the best, Echo!"
Hindi naman nagustuhan ng isang commenter ang ipinost na larawan ng aktor. Nakalabas kasi ang dila ni Echo na sa aming palagay ay mannerism na niya. Ilang mga solo pictures ni Echo na may labas-dila ang aming napansin noon pa man.
"The effort for self improvement is highly commended. But the sticking out tongue pose is creepy and gross (not to mention he's too old for this sh*t."





Comments