Babu sa Kapamilya, ayaw sa Kapuso… MAJA, REYNA NG TV5

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 7, 2022

Si Maja Salvador ang maituturing na Reyna ng TV5 ngayon dahil magaganda ang mga shows na gagawin niya sa Kapatid Network.
Pagkatapos ng Nina, Nino ay may sitcom siyang pagbibidahan. Pumirma na rin si Maja sa bagong kontrata sa CIGNAL TV5. Binigyan siya ng titulong Majestic Superstar.
Dati ay may mga bali-balitang sa GMA Network lilipat si Maja Salvador. Pero sa dami ng naggagandahan at magagaling na aktres ngayon sa GMA-7, tama lang ang desisyon ni Maja na sa TV5 manatili. Wala siyang gaanong kakumpitensiya sa project.
May sariling diskarte si Maja sa kanyang career. Wise move rin na nagtayo siya ng sariling management company. Sina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo ang ilan sa kanyang mga contract artists!





Comments