top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Babu sa ABS-CBN… TONI, P.5 BILYON ANG TF PARA SA 2 SHOWS SA ALLTV

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 14, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 14, 2022



Habang isinusulat namin ang balitang ito ay umere na sa ABMS2 o ALLTV ang unang bahagi ng panayam ni Toni Gonzaga-Soriano kay Presidente Bongbong Marcos, Jr. at ang ikalawang bahagi naman ay napanood kagabi.


Matatandaang Setyembre 13, 2021 (kaarawan ni PBBM) ang unang panayam ni Toni kay Bongbong sa kanyang YouTube channel na Toni Talks at hindi pa man presidente noon si BBM, umabot na sa 16 million views and still counting ang naturang interview.


Kahapon, kaarawan uli ni PBBM, at itinapat dito ng ALLTV (na kahapon din nagsimulang umere) ang ikalawang beses na panayam sa kanya ni Toni na sa Malacañang Palace ginanap.


Base sa tsikahan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nilang Cristy Ferminute sa Radyo 5, 92.3 News FM, sinabi ng una na talagang pasabog ang panayam ni Toni kay Presidente Bongbong.


“Uy, alam mo, ‘yun ang aabangan. Soft-opening na nila, talagang bongga po ang pasabog niya.


Isang emosyonal na panayam sa ating pangulo, PBBM.


“At pumunta siya (Toni) ng Malakanyang, sa Palasyo niya kinapanayam ang ating pangulo at ito talaga ‘yung hinapaw (tinaong) niya ang maraming-maraming isyu rito, pati ‘yung personal na problema ng pamilya na inuukilkil ng taumbayan at ang sinentruhan pang isa na kung magkakaroon ba ng malaking pagkakataon ang ABS-CBN na ibalik ang kanilang prangkisa. Naku, aabangan ‘yan ng madla, 'di ba?” pahayag ni Nanay sa CFM.


Nabanggit ding tiyak na maraming mamba-bash kay Toni sa panayam niyang ito kay PBBM tulad ng naranasan niya noong nakaraang taon lalo na noong nagsilbi siyang host sa proklamasyon nito na ginawa sa Philippine Arena sa Bulacan.


“Magaling na si Toni humawak ng bashers. Hindi siya kumikibo, hindi siya pumapatol. Hindi siya ‘yung kung anu-ano ang ikinukuda kaya kita mo, namamatay nang kusa. Kuda kayo nang kuda, hindi kayo pinapatulan, eh, di para kayong nakikipagsuntukan sa hindi ninyo nakikita, parang multo lang ang kalaban ninyo, ganu’n lang ‘yun,” sabi ni ‘Nay Cristy.


Noong nag-resign si Toni sa ABS-CBN bilang main host ng Pinoy Big Brother na kasalukuyang umeere ay iisa ang sabi ng lahat, "Pinaghandaan na niya ito bago niya tinanggap na host siya sa proklamasyon ni BBM. May pupuntahan na ‘yan."


At marami rin ang humula na sa network ng mga Villar siya mapupunta na noo’y pinaplano pa lang kung paano dahil nga nakuha nito ang 25 years franchise ng transmitter ng ABS-CBN na sagap ang buong Pilipinas.


Hindi naman nagkamali ang mga nanghula dahil kamakailan nga ay pumirma si Toni ng kontrata sa AMBS2 pero hindi binanggit kung anong mga programa ang gagawin niya maliban sa Toni Talks na katulad ng kanyang YT channel.


Kalahating bilyong piso raw ang talent fee ni Toni base sa kumalat na balita.


Sabi ni ‘Nay Cristy, “Five hundred million, pang-ilang programa kaya ito? Alam ko, dalawa, eh. Baka madaragdagan, 'di ba?”


Speechless si Romel sa narinig na halaga, “Grabe ito, ‘Nay! Sana ALL talaga. Alam mo, ngitngit talaga ang ibang dyortism (gay lingo ng artista), hahahaha!”


Ayon kay ‘Nay Cristy, hindi na bago ito sa pandinig dahil naunang nabalitang tumanggap ng isang bilyong pisong talent fee si Sharon Cuneta noon sa TV5.


“Kung matatandaan mo, ilang taon na ang nakararaan nu’ng pumirma si Sharon Cuneta sa TV5, one billion pesos ang halaga nu’n, kaya 'yun talaga ang umalingawngaw. Kaya hindi na bago ang half-B (billion) na ito.”


Ang karugtong na kuwento ng manunulat at host ay isinoli raw ni Shawie ang natira sa isang bilyong piso nang hindi nag-click ang mga programang ginawa niya sa Kapatid Network dahil bumalik na siya sa ABS-CBN noon na may prangkisa pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page