Babu na rin sa GMA-7? JOHN LLOYD, NEXT KAY WILLIE NA LILIPAT SA NETWORK NI VILLAR
ni Nitz Miralles - @Bida |February 11, 2022

Nakaabang ang mga Kapuso viewers kung susunod kay Willie Revillame na aalis sa GMA Network sina John Lloyd Cruz at Director Bobot Mortiz at kung ililipat sa Advanced Media Broadcasting Systems, Inc. ang sitcom na Happy ToGetHer.
Bida sa sitcom si JLC at si Bobot ang director at alam naman ng lahat na si Willie ang naging rason kung bakit may sitcom ang aktor sa GMA-7.
Pumirma ng kontrata sa GMA Network si JLC para sa sitcom na ito at kung susunod sila kay Willie at ililipat sa AMBS ang Happy ToGetHer, tatapusin muna siguro ang kontrata.
Nakailang episodes na rin naman ang sitcom at kung one season lang ang kontrata, ilang episodes na lang ang natitira.
Nakipag-meeting na rin si JLC for another project with GMA, matuloy pa kaya ‘yun o sa AMBS na uli gagawa ng soap si John Lloyd?
And speaking of Willie, this Friday na siya magsasalita at magpapaalam sa mga viewers ng Wowowin sa GMA-7. Baka iba na ang title ng show ‘pag sa AMBS na ang airing.
Balitang may 15% investment din si Willie sa AMBS.





Comments